^

PSN Opinyon

Mga gagawin kung nilalagnat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Tiyakin kung may lagnat talaga. Nagbabago ang temperature depende sa gawain. Kung bagong ehersisyo, puwedeng tumaas ang temperature. Kapag mainit ang panahon at lalo na sa hapon, mas mataas din ang tempe­rature. Ang tunay na may lagnat ay ang temperature na lampas 37.8 degrees Centigrade.

2. Kung walang thermometer, gamitin ang likod ng ating­ kamay o kamao at ipatong sa noo o leeg ng pasyente. Sen­sitibo ang parteng ito ng kamay kumpara sa palad.

3. Uminom ng 8-12 basong tubig sa isang araw. Ang pag-inom ng tubig ay nakapagpapababa ng lagnat dahil inilalabas nito ang init ng katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.

4. Punasan ng basang tuwalya ang katawan. Ang pagpu­punas sa maiinit na parte ng katawan tulad ng singit, kilikili at leeg ay nakapagpapaginhawa sa maysakit. Huwag basain ang buong katawan, kundi ilang parte lamang. Kapag napu­nasan na ang katawan ay huwag itong tuyuin. Hayaan mag-evaporate ang tubig para sumingaw ang init sa katawan.

5. Huwag magbalot ng kumot o jacket. Kahit ika’y gini­ginaw dahil sa pagtaas ng lagnat, huwag magbalot ng kumot dahil lalo lang tataas ang lagnat.

6. Dapat ay hindi mainit o kulob ang kuwarto. Kung may aircon o electric fan ay buksan ito. Ang preskong hangin ay makatutulong sa pagdaloy ng oxygen.

7. Kumain ng sapat at masustansya. Kailangan ng katawan ang lakas para labanan ang sakit. Ang lugaw, prutas at gulay ay mabuti sa katawan.

8. Matulog at magpahinga. Ito ang nagpapalakas sa katawan.

9. Puwedeng uminom ng Paracetamol tablet o syrup tuwing apat na oras kapag mataas ang lagnat sa 38.5 degrees Cen­tigrade. Kumunsulta sa doktor kung lampas sa 39 degrees ang lagnat, masama ang pakiramdam o higit sa tatlong araw ang lagnat.

LAGNAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with