Mga halalan magulo na simula’t sapol
DALAWANG punto ang lumitaw sa saliksik ni Prof. Glenn May sa 42 halalan sa Batangas nu’ng 1887-1894. Una, hindi mayayaman ang mga nahihirang na opisyales: Isa sa bawat tatlo lang ang may lupa’t bahay; isa sa apat ang walang pangmatagalang pinagkikitaan. Ikalawa, umiiwas sa kandidatura ang mayayamang haciendero sa bayan; sa halip, nagtatayo sila ng kamag-anak o tauhan. Nagbubunsod ito ng paksiyon-paksiyon (partido) — na bawal sa batas nu’ng Panahon ng Kastila.
Apat na uri ng paksiyon ang napansin ni Professor May:
• Pangkabuhayan: isinusulong ang interes ng mga asendero. P30 ang sahod ng gobernadorcillo kada taon. Pandagdag-kita ang pagnakaw sa kabang-bayan, panguÂngumisyon, o suhol mula asendero. Kapalit ng huli ay mga pabor -- sa paggawa at ayos ng kalsada’t tulay patungong asyenda, at pagharap o pagbasura ng kaso.
• Cura: Nagpapalawak ng saklaw sa bayan. Ito’y dahil, sa batas, bahagi ng tungkulin niya ang kalusugang pampubliko, edukasyon, pagbubuwis, agrikultura, industriya, at pangangalakal.
• Anti-kleriko: Impluwensiyado sila nina Del Pilar at Rizal sa pagsusulong ng reporma. Mga gobernadorcillo ang namuno nu’ng 1888 ng petisyon sa governor-general na palayasin ang abusadong religious orders sa bayan-bayan. Binansagan sila ng mga cura na “subersibo.â€
• Personal: Nagpapatigasan lang sa mga halalan sa bayan-bayan.
Sa tindi ng pagpapaksiyon, umiinit, dumudumi, at marahas ang mga halalan. Binabali ang mga batas, maisulong lang ang partido.
Pati sa himagsikan ng Katipunan laban sa Kastila, naging magulo ang halalan. Tinuligsa nina Andres at Procopio Bonifacio ang paghalal sa Magdalo ni Emilio Aguinaldo sa Tejeros Convention. Pinatay tuloy sila.
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail:[email protected]
- Latest