^

PSN Opinyon

Anong gagawin n’yo?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

“MGA pulis sa Block 5, lagi na lang ganyan ang ginagawa. Nangri-raid nang walang search warrant. Linggung-linggo may raid.” “Pinagsisira mga CCTV ng mga may-ari ng bahay. Pati mga bata sinaktan. Kaya ngayon, ang batang sinuntok nila may trauma. Ginagamit nila ang pagkapulis nila para mang­holdap. Palagi na lang sila ganyan!”

Ito ang ipinahayag ng nag-upload ng video kung saan makikita ang 10 pulis Taguig na pumasok sa bahay, walang warrant at nanakit pa ng mga nakatira roon.

Dahil nakuha sa CCTV ang pangyayari, kumilos na si PNP chief Gen. Rommel Marbil. Kriminal na kinasuhan ang sampung pulis. Patung-patong ang kasong haharapin nila at napakamali ng kanilang ginawa sa pamilya.

Bukod sa mga kaso, sinibak na ang 10 pulis at binawi ang kani-kanilang baril. Nagbanta si Gen. Marbil sa lahat ng pulis na maging disiplinado at propesyonal. Hindi daw magi­ging malambot sa mga lalabag sa batas at patakaran ng PNP.

Kung ganyang may CCTV ng pangyayari, hindi na dapat magtagal ang imbestigasyon at mahatulan na ang 10. Dapat pala sa tahanan ay may CCTV para makunan ang anumang hindi magandang pangyayari.

Ano na ang nangyari sa mga body cams ng PNP? Wala na naman? Puro salita na lang na gagamitin na?

 Hindi na talaga makarekober ang imahe ng PNP. Kahit sino pa ang mamuno ng organisasyong ito, may mga hindi kanais-nais na pulis pa rin. Hindi mawala-wala ang sca­lawags.

Itinaas na nga ni dating President Rodrigo Duterte ang kanilang sahod, may mga hindi pa rin nasiyahan. At ang talo ay ang ordinaryong mamamayan.

Ano ang gagawin n’yo kapag pilit pumasok ang 10 pulis sa inyong bahay na walang warrant at lahat? Anong laban n’yo? Kung pumalag, masasaktan pa kayo o baka mabaril pa at kung anu-anong salaysay ang ilalabas ng pulis para bigyan ng katwiran ang kanilang ginawa. Sino ang magbabantay sa mga pulis na nanumpang maninilbi at magbibigay ng proteksiyon sa publiko?

 Sino ang may ayaw ng kapulisan na tapat sa trabaho, maaasahan sa panahon ng pangangailangan at mataas na rerespetuhin?

Ilang hepe ng PNP ang dumaan na, lahat nangakong lilinisin ang hanay pero hindi lubusang nagiging matagumpay. Hinihintay pa ng taumbayan kung kailan ‘yan mangyayari.

CCTV

RAID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with