^

PSN Opinyon

Mga doktor sa China, nakakuha ng limang contact lenses sa likod ng eyeball ng kanilang pasyente!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

ISANG 33-anyos na babae ang nagulat matapos makita ng kanyang mga doktor ang lima sa kanyang nawawalang contact lenses na naipit pala sa likod ng kanyang kaliwang mata!

Ang babae na kinilala lamang sa alyas na “Ms. A” ay nagpunta sa Plastic Surgery Hospital ng Chinese Aca­demy of Medical Sciences upang ipagamot ang hemifacial atrophy.

Ito ay isang kondisyon kung saan ang kalahati ng kanyang mukha ay tumabingi at ang kanyang kaliwang mata ay bahagyang lumubog.

Bilang solusyon, nagdesisyon ang mga doktor na mag-inject ng taba sa likod ng kanyang mata upang mapunan ang nawawalang tissue.

Sa hindi inaasahang pangyayari, habang ginagamot ang kanyang kondisyon, tumambad sa mga doktor ang limang magkakaibang contact lenses sa likod ng eyeball ng kanang mata ng pasyente.

Ayon kay Ms. A, napansin niyang may mga nawawala siyang contact lens sa mga nakaraang buwan ngunit ina­kala niyang na-misplace lang niya ang mga ito.

Paliwanag ng mga eksperto, ang kanyang kondisyon na hemifacial atrophy ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng espasyo sa likod ng kanyang mata para ang mga contact lense ay madulas papasok sa loob nito.

Mabuti na lamang at hindi siya nagkaroon ng seryosong komplikasyon, ngunit ayon sa mga doktor, maaari itong humantong sa impeksiyon o pinsala sa cornea kung hindi natanggal agad.

Dahil sa pambihirang insidenteng ito, nagpaalala ang mga eksperto na kailangang magsagawa ng masusing pagsusuri sa mata bago sumailalim sa anumang operasyon, lalo na sa mga pasyenteng madalas gumamit ng contact lens.

DOCTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with