Leo Magno at ang Mindanao
SA gitna ng mga nangyayari nitong mga huling araw, na puro na nga pulitika ang napag-usapan, nagtatanong na nga ang Pilipino kung umaandar pa ba ang makinarya para sa development ng ating bansa, partikular na sa Mindanao, na nilait nga ng isang manunulat na mababa raw ang human development index (HDI) nito.
Hindi maiwasang mapansin na ikinumpara nga ang Mindanao at binansagang sub-Saharan Africa dahil daw sa mababang HDI nito.
Ibig sabihin nito ganun na lang kababa ang tingin ni Richard Heydarian sa mga taga-Mindanao matapos ikumpara sa kanilang Southern Europe feel ng Luzon.
Umalma ang mga taga-Mindanao lalo na at napakaganda at napakayaman ng Mindanao maging sa pagkain man o sa kultura nito.
Mindanao Development Authority chair Leo Magno “emphasizes the island’s contribution as food basket of the Philippines.”
Sabi rin ni Magno na ang HDI ng Mindanao ay mas mataas pa sa aggregate ng Sub-Saharan Africa “and even surpasses that of South Asia”.
At kaya nga nitong mga huling araw ay nakikita na patuloy sa pagtatrabaho si Magno kahit na ngang umiinit ang pulitika dahil malapit na nga ang May 12 midterm elections.
Patuloy si Magno sa pakikipag-usap sa private sector at iba’t ibang industry representatives sa layuning mapaayos at patuloy na tataas ang HDI ng Mindanao na puno ng pangakong magandang buhay sa darating na mga araw.
Oo, at may ilang araw na rin itong issue ng sub-Saharan Africa ni Heydarian ngunit ang ibig ko lang sabihin na patuloy naman sa paggawa ng mga hakbang si Magno at kanyang mga staff upang lalong mapabuti ang buhay ng Mindanaoans.
- Latest