^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Hubaran, mga espiya ng China

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Hubaran, mga espiya ng China

NOONG nakaraang Enero, limang pinaghihinala­ang Chinese spies ang nahuli ng mga awtoridad sa Palawan at Makati City. Nakilala ang mga Chinese spies na sina Cai Shaohuang, alyas Richard Tan Chua – lider ng grupo; Cheng Hai Tao; Wu Cheng Ting; Wang Yong Yi at Wu Chin Ren. Nahuli sila sa Palawan. Na­aresto naman sa Makati City si Deng Yuanquing at da­lawang Pilipino na nagsisilbing drayber nito.

Nasamsam sa mga Chinese spies ang mga kaga­mitan na ginagamit sa pagsasagawa ng ­casing sa mili­tary camps at iba pang pangunahing imprastraktura. Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mga espiya at sangkot sa illegal surveillance operations ang mga naaresto. Nagsasagawa ang mga ito ng unautho­rized foreign intelligence surveillance at reconnaissance activity. Nakuha sa servers ng Chinese ang mga mapa ng critical infrastructures ng military at PNP camps. May mga data rin umano ng camps na nakuha sa server.

Ang pagkakahuli sa limang Chinese spies ay nag­hatid ng pangamba sapagkat maaaring nakakuha na sila ng mahahalagang impormasyon at pinag-aaralan na ng People’s Liberation Army (PLA).  Ang PLA ang madalas na kasama ng China Coast Guard (CCG) sa pambu-bully sa mga barko ng Philippine Coast Guard sa West Phi­lippine Sea. Posible ring marami pang spies sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nararapat na paigtingin ng AFP at PNP ang pagkalap ng intelligence upang madampot sa lalong madaling panahon ang Chinese spies.

Kung pangamba ang hatid ng Chinese spies, takot naman ang dinulot nang binulgar ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa isang news forum na may mga matataas na opisyal ng gobyerno na nagsisilbing espiya para sa China. Sabi ni Tolentino, maihahambing ang mga sinasabi niyang opisyal ng gobyerno kay dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na kasalukuyang nakakulong sa Pasig City Jail dahil sa human trafficking at pagkakaugnay sa POGO operation. Ina­akusahan din si Guo na espiya na mariin namang iti­nanggi nito. Nakatakas na ng bansa noong Hulyo 2024 si Guo at mga kasama pero nahuli sa Indonesia noong Setyembre.

Ayon kay Tolentino, marami ang magugulat kapag inilabas ang mga sinasabing government officials na nag-eespiya para sa China. Ayon pa kay Tolentino, ang mga opisyal ay naka­pwesto na sa gobyerno bago pa man maupo si President Ferdinand Marcos Jr. noong 2022. Tumatanggap umano ng utos at nagsusumite ng report ang mga government official sa pamahalaan ng China. Nakabaon na raw sa mga ahensiya ng pama­halaan ang mga espiya ng China.

Hubaran at pangalanan ang mga espiya ng China. Dapat mabulgar ang mga naghuhudas sa Inang Bayan. Parusahan sila nang mabigat!

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with