^

PSN Opinyon

Gabay ng Lumang Tipan para sa Halalan 2025

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAINAM basahin ang Bibliya bilang gabay sa modernong buhay. Halimbawa, ang aral sa Lumang Tipan sa pagluluklok ng pinuno.

Wag pakahulugang literal, pero namnamin ang sinasaad ng Deuteronomy 17:14-20. Tuparin sa Halalan 2025:

“Ang Paglalagay ng Hari”

“14 Kapag kayo’y naroon na at naninirahan nang maayos sa lupaing ibibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Yahweh, maka­kaisip kayong magkaroon ng hari, tulad ng mga bansa sa paligid ninyo. 15 Maaari kayong maglagay ng hari, ngunit ang ila­lagay ninyo ay iyong pinili ni Yahweh at mula sa inyong lahi. Huwag ninyong gagawing hari ang sinumang dayuhan.

“16 Ang gagawin ninyong hari ay hindi dapat magparami ng kabayo para sa kanyang sarili; hindi rin niya maaaring iutos sa iba na magbalik sa Egipto para ikuha siya ng maraming­ kabayo, sapagkat ipinag-utos ni Yahweh, na huwag nang bumalik pa roon. 17 Hindi siya dapat mag-asawa ng marami at baka siya makalimot kay Yahweh; ni hindi siya dapat magpayaman sa panahon ng paghahari.

“18 Kapag siya’y nakaupo na sa trono, gagawa siya ng isang kopya ng mga kautusang ito na nasa pag-iingat ng mga paring Levita. 19 Ito ay para sa kanya at babasahin niya araw-araw upang magkaroon siya ng takot kay Yahweh na kanyang Diyos at upang buong puso niyang masunod ang mga kautusan at mga tuntunin ni Yahweh, 20 upang hindi siya magmalaki sa kanyang mga kababayan, at upang hindi siya lilihis sa mga tuntuning ito. Kung magkagayon, siya at ang kanyang mga anak ay maghahari nang matagal sa Israel.”

Humalal tayo ng mga makabayan, hindi ng makada­yuhan­. Niyurakan tayo ng China dahil pinahintulutan ito ni President Rody Duterte. Humalal tayo ng malinis, makatao, at may takot sa Diyos.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with