^

PSN Opinyon

Siyete pesos bigas pramis ni Duterte

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

NOONG July 23, 2018, SONA ng noo’y Presidente Rodrigo Duterte, nangako siya na bababa sa P7 ang kilo ng bigas sa pagkaapruba ng Rice Tarrification Law. Hindi nangyari ang pangako ni Duterte.

Sa campaign promise naman ni Bongbong Marcos, nag­pahayag siya ng pag-asang mapapababa niya sa P20 ang kilo ng bigas. Parehong di natupad ang pangako pero si BBM lang ang tinutuligsa at hindi si Duterte.

Ngayon, inihayag ng Department of Agriculture na magbebenta na ng P20 per kilo ng bigas at ang pilot area ay sa Cebu muna, at ito ay ipamamahagi sa mga Kadiwa outlets. Marami ang umaangal kung bakit sa Cebu muna gayung mahigpit din ang pangangailangan sa murang bigas sa lahat ng panig ng bansa.

Ngunit ni hindi pa man nailalabas ang murang butil, nauna nang bumanat si VP Sara Duterte. Ito raw ay gagawin para makaakit ng boto para sa mga senatorial bets ng adminis­trasyon. Kaya raw sa Cebu ang launching ay upang mata­ngay ni BBM ang maraming botanteng kapanalig ng mga Duterte.

Idinugtong pa ni Sara na ang ibebentang bigas ay yung ipinakakain sa mga hayop. Kaya ang payo ng Malacañang kay Sara, kung hindi makasusuporta kay BBM, huwag na lang magmistulang anay para siraan ang reputasyon ng Presidente.

Totoo hindi makatotohanan ang pinababang presyo dahil gagawin sa tulong ng subsidy ng pamahalaan. Ang bigas na dating P33 ang kilo ay aabonohan ng pamahalaan para maibaba sa P20. Parang ginawa lang upang masabing hindi sumira sa pangako si BBM.

Pero ang usapin ay ginagawang instrumento sa poli­tical demolition. Kung magkagayon, lahat na lang ng ga­gawin ng administrasyong ito ay palso. Sana, makita natin sa mga susunod na administrasyon ang pagtutulungan ng mga opisyal anuman ang partidong kinasasapian.

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with