Tarlac, pugad ng mga sugalan
PUGAD ng mga illegal na sugalan ang Tarlac. Talamak ang saklaan, pergalan at color games sa Tarlac City, Capas, Concepcion at Paniqui.
Itinuturong pasimuno ng mga pasugalan si JoJo Phyton. Siya ang kumukolekta ng weekly payola para sa mayors at sa mga hepe ng pulisya.
Tumataginting na P5,000 araw-araw ang kinukubra ni Jojo Phyton bawat lamesa sa mga saklaan. Mahigit 80 lamesa ang kinukubrahan ni Jojo Phyton kaya P400,000 ang nakukulekta niya araw-araw.
Mas lalong malaki ang kinukubra ni Jojo Phyton bawat lamesa sa mga pergalan nina Charlie, Ricky, Lory at Gloria na nagkalat din sa mga bayan sa Tarlac.
Hindi makaangal ang pergalan operators sa paniningil ni Jojo Phyton ng payola dahil protection ito para manatili ang kanilang sugalan.
Nakabibingi naman ang katahimikan ng mga opisyales ng Tarlac na sina Governor Susan Yap-Sulit, police provincial director Col. Miguel Guzman at Sangguniang Panlalawigan.
Wala silang aksyon sa mga naglipanang sugalan sa probinsiya.
Wala silang ginagawa para sawatain ang mga illegal na pasugalan sa kanilang nasasakupan. Patuloy ang pagpapabaya nila sa tungkulin.
Ang mahalaga lang sa kanila ay ang malaking kubransa ng salapi mula sa mga pasugalan.
* * *
Para sa komento: art.dumlao@gmail.com
- Latest