^

PSN Opinyon

Laong-Laan Lodge No. 185

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

THIS coming Saturday, February 4, 2012 at around 2:30 pm, gaganapin ang ika - 47th Public Installation of newly elected and appointed officers ng Laong - Laan No. 185, Masonic year 2012-2013, under the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of Free and accepted Mason of the Philippines my Philippines.

Ang mga bagong talaba este mali talaga pala ay sina Worshipful Master Bro. Ramon P. Gutierrez, Senior Warden Bro. Rey Camilo B. Dumlao 11, Junior Warder Bro. Blas Antonio M. Tuliao, Treasurer Bro. Mark Antonio R. Santos, Secretary Bro. Walfredo A. Sumilang 11, Auditor VW Sonny Regala (PDL), Chaplain WB Generoso Cortez, Marshall Bro. Roberto P. Quiroz, Senior Deacon Bro. Adonis A. Baluyot, Junior Deacon Bro. Eduardo Ramos, Almoner Bro. Ronan Rey D. Ramos, Lecturer Bro. John Gabby A. Baybay, Historian WB Johnny C. Flaviano, Orator Bro. Butch M. Quejada, Organist Bro. Rolando Alvarez, Senior Steward Junfel A. Zamora, Junior Steward Gualberto E. Angeles at Tyler WB Ricardo A. Sy.

Ang panauhin pandangal ng Laong - Laan Lodge No. 185 ay ang dating Chief Philippine National Police Bro. Jesus A. Verzosa.

Isang magarbong handaan ang ihahain sa lahat ng mga dadalong bisita sa Laong-Laan Lodge No. 185 mapa-bata o matanda, may ngipin o wala, abnoy o hindi, tomboy o bakla, may baktol o wala dahil katakut-takot na pagkain katulad ng dalawang extra large na litson baka, limang large size na litson baboy, 10 suckling pigs, mga manok, morcon, kare-kare at kung anu-ano pang masasarap na pagkain at sangkatutak na mga inumin tulad ng 20 kahon light beer, 30 pirasong Johnny Walker double black echetera.

Kaya lahat ng mga magsisipunta ay pinaaalahanan na magdala ng mga plastic o paper bags para sa mga matitirang pagkain na iuuwi ng bawat bisitang pupunta.

Siyanga pala ang lugar ng ceremony at fellowship para sa kaalaman ng madlang people ay sa ‘roof deck’ ng Andrea Condominium sa No. 1 Balete Drive, New Manila Quezon City.

Payo lang sa mga kuyang pumunta ang gustong pumunta sa nasabing pagtitipon.

Ang hindi pupunta sa nasabing magarbong pagtitipon, ‘will miss one half of your life!’

Gayak na!

Wanted si Melchor Nunez

ISANG malawakang manhunt operation ang ginagawa ng mga authorities sa Philippines my Philippines para hulihin si Melchor Nunez, na wanted sa kasong ‘rape’ at ‘qualified theft.’

Nilabasan ng warrant of arrest si Nunez ni Valenzuela Judge Emma C. Matummu dahil sa mga nasabing kaso sa itaas.

Inatasan ni Judge Matummu ang pulisya, NBI, CIDG, Barangay echetera na hulihin at dalhin sa kanya sala ang wanted para makulong.

Sabi nga, non bailable ang rape case problem ni Nunez.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinutulugan ng pulisya kaya hindi mahuli Nunez kaya malaya itong nagliliwaliw sa mga lugar sa Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa isang place sa Pandi, Bulacan umuuwi si Nunez at sa isang haybol dyan sa may Camarin, Caloocan City.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may malaking perang dala si Nunez dahil sa mga pinagbilhan ng mga ninakaw na antigong mga Santo ng Dios kaya nakakagala pa ito.

Panawagan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat hanapin ng Caloocan Police at Valenzuela Police si Nunez para panagutin sa kanyang mga kasalanan.

Siyanga pala, sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang kasambahay ang ginahasa ni Nunez.

Payo lang ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay Nunez sasargo ang wetpu mo sa kulungan oras na nahuli ka dahil sa ginawa mong kababuyan sa isang kasambahay.

Abangan.

ADONIS A

ALMONER BRO

ANDREA CONDOMINIUM

BLAS ANTONIO M

BRO

BUTCH M

CALOOCAN CITY

MELCHOR NUNEZ

NUNEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with