^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Panganib ng dengue

Pilipino Star Ngayon

DINEKLARA na ng PAGASA ang pagsisi­mula ng tag-ulan. Kasabay nito, nagpa­alala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging mapagmatyag laban sa panganib ng dengue. Bagama’t mas mababa ang bilang­ ng mga kaso ngayong 2026 kumpara sa naka­raang taon, hindi ito dahilan upang maging kampante ang publiko. Huwag balewalain ang mga payo at paalala ng mga eksperto.

Ngayong kabubukas pa lamang ng klase (Hunyo 8), dapat mas nagiging kritikal ang pagiging mapagmatyag laban sa panganib ng dengue. Ang pagsabay ng panahon ng tag-ulan sa pagbabalik eskuwela ay nangangailangan ng dagdag na alerto mula sa mga mag-aaral, magulang, at mga guro upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Mahalagang tandaan na ang mga itlog ng lamok ay kayang mabuhay ng hanggang walong buwan kahit walang tubig, kaya hindi sapat ang basta pagtatapon lamang ng mga basyong plastic o bote. Kinakailangan ding linisin mabuti ang mga gilid ng mga sisidlan upang matiyak na matatanggal ang mga itlog, at itabi ang mga ito nang patiwarik o upside down upang lubusang matuyo bago muling gamitin.

Dahil ang mga lamok ay may kakayahang lumipad ng hanggang 300 metro, ang pagpuksa sa dengue ay isang kolektibong responsibilidad ng buong komunidad.

Bukod sa pagpapanatili ng kalinisan sa pali­gid­ ng mga tahanan at paaralan, mahalaga ring magsagawa ng self-protection measures ang mga estudyante. Inirerekomenda ang pag­gamit ng insect repellent, pagsusuot ng long sleeves o mahahabang pantalon, at paggamit ng mosquito patches na ikinakabit sa damit, si­gu­raduhin lamang na palitan ang mga ito base sa nakasaad na tagal ng bisa.

Ang dengue ay galing sa lamok na Aedes Aegypti. Madaling makilala ang lamok na ito dahil sa guhit na puti at itim sa katawan. 

Sakaling makaramdam ng mga sintomas­ gaya ng mataas na lagnat na tumatagal ng da­lawa hanggang pitong araw, matinding sakit ng ulo, at pananakit ng katawan, huwag mag-atubi­ling magpakonsulta agad sa doktor o bumisita sa mga PhilHealth-accredited na Yakap clinics para sa agarang pagsusuri at tamang paggabay.

Ang mabilis na pagtugon sa mga sintomas ay makakatulong upang maiwasan ang mga seryosong kumplikasyon ng sakit. Ang sama-samang pagpapanatili ng kalinisan at pag-iingat sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan ang susi upang mapanatiling ligtas ang pamilya at mga mag-aaral sa paaralan. Huwag balewalain ang dengue na umuutang ng buhay. Mapanganib ang sakit na ito.

DEPARTMENT OF HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with