^

PSN Opinyon

Higanteng drugstore chain may sariling house brand

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ang pinakamalaking drugstore chain ay gumagawa rin ng sariling house label. Kontrolado nito ang 60% ng bentahan ng gamot. Itinutulak ng 1,200 outlets nito ang sariling tatak ng generics.

Inulat ito kamakailan ng Rights Report Philippines. Sinuri ng RRP kung bakit napakamahal ng gamot sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asia-Pacific. Ito’y maski may Cheap Medicines Act at Generics Law.

Alam ba ito ng Philippine Competition Commission? Maari kasing napipisok ang malayang kompetisyon. Sa huli, kawawa ang mamimili.

Ang higanteng drugstore chain ay nagiging gatekeeper o taga-takda ng pamilihan, at kakompetensiya pa. Kontrolado niya ang display at pag-imbak ng ititindang gamot. Kontrolado kung anong produkto ang makikita ng, at kung ano ang irerekomenda sa customer. Pasiya niya kung sino ang kasali, at siyempre lamang ang house brand niya.

Gumasta ang mga Pilipino ng P615 bilyon para sa kalusugan nu’ng 2024. Mahigit P251 bilyon nu’n ay i­pinambili ng gamot sa farmacia. Ganunpaman, 99% ang nagsabi sa Pulse Asia survey na hindi nila binibili lahat ng niresetang gamot kasi mahal at hindi abot-kaya.

Mula pagpasok ng customer sa outlet, sa pagtanaw sa display, hanggang sa nirerekomenda ng pharmacist, impluwensiyado siya ng higanteng drugstore sa paksa ng branded generics. Marahil naranasan na ng Competition Commissioners o naulinigan ang ganitong pag-uusap:

“Ay, wala na bang ibang mas mura?”

“Meron po, pero tatlong tableta na lang ang natitira. Hindi namin alam kung kelan sila magde-deliver uli. Kung gusto mo po, itong generics namin, medyo mas mura at parating meron.“

Tungkulin ng PCC na panatilihing patas ang labanan. Wala dapat mag-monopolyo ng anumang industriya.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

GENERICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with