Rags to riches...Wiza Integrated Farm
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang “rags to riches” na buhay na tinahak ng isang konsehala, businesswoman, aesthetician, mother at farmer sa Pangasinan
Ang aking tinutukoy ay si Councilor Jenny Toquero na siyang owner Wiza Integrated Farm na makikita sa San Antonio, Sto Tomas, Pa-
ngasinan.
Si Coun. Jenny ay mula sa mahirap na pamilyang magsasaka sa Sto. Tomas, Pangasinan pero dahil sa kanyang sipag, tiyaga, diskarte sa buhay at dedikasyon sa trabaho ay malayo na ang narating nito.
Ayon kay Jenny, noon bata pa siya ay ginagawa niyang lahat ang trabahong panlalaki at pang bukid para kumita.
Ulanin at arawan sa pakikipagtanim ng palay para may pambaon pagpasok sa paaralan.
“Naranasan ko rin ang magpastol ng kalabaw, mag-araro, magbalsa at magpatubig ng palay, mais at mga gulay” Ani Jenny.
Aniya, lahat ng trabahong pang bukid basta may kita ay pinasok niya.
Nag-abroad, nakapag-ipon at nagtayo ng negosyo si Jenny. Dahil siya ay anak ng magsasaka kaya binalikan niya ang pagsasaka.
Noong una ay pang sariling pagkain lamang ang mga tanim ni Jenny pero marami sa kanilang mga kalugar ang bumibili ng mga sariwang gulay na kanilang ani.
Dumami ang lupang sakahan ni Jenny kaya nag-alaga na rin siya iba’t ibang uri ng hayop at isda.
Kumandidato bilang konsehala ng bayan ng Sto. Tomas si Jenny at pinalad na manalo na ngayon ay nasa unang termino pa lamang.
Ginagamit ni Jenny bilang pang feeding program ang kanilang mga ani.
Narating ko na at personal na nakita ang mga magagandang tanim na hot chili, mais, palay, alagang isda at mga hayop sa Wiza Integrated Farm.
Sa mga nais bumili ng gulay, isda at hayop ay magpadala lamang po kayo ng mensahe sa kanilang page na Wiza Integrated Farm.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari din kayong manood, mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at ipormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Ngayong Linggo, November 22, 2026 ay mapapanood ninyo ang aking interview kay Konsehala Jenny Toquero sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay na ngayon ay Season 24 na.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publication.
Tumanggap na ng iba’t ibang parangal at pagkilala mula sa gobyerno at NGO at ang latest ay noong June 7, 2026 na ginawaran bilang Lifetime Achievement Award Innovation and Advocacy in Sustainable Agriculture and Urban Gardening ng Dangal ng Lahing Pilipino ang Magsasakang Reporter at Child-Friendly TV program nitong October 27, 2026.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest















