^

PSN Opinyon

Tubig ipunin ngayong malala ang El Niño

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Huwag lang mag-ipon ng tubig-ulan sa balde. Takpan ‘yon o budburan ng konting detergent. Pamatay ‘yon sa itlog ng lamok. Para hindi kumalat ang nakamamatay na dengue sa komunidad.

Tuturuan daw ng gobyerno ang mamamayan mag-filter ng tubig-ulan. Pinaka-simple ang pagtakip ng plastic o stainless steel screen para maharang ang mga dahon at siit.

Ipatupad sana ni President Bongbong Marcos ang R.A. 6716. Nu’ng 1989 pa inatasan ang DPWH at mga governor at mayor na gumawa at mag-rehab ng mga balon at iponan ng tubig-ulan, at gamitin ang mga bukal. Target: 100,000 balon at iponan ng tubig-ulan sa bawat barangay bago mag-June 1991.

Pero inulat ng DPWH nu’ng 2013 na 754 lang ang nagawang iponan ng tubig-ulan. ‘Yan ay 0.018% lang ng 42,010 barangay. Nu’ng July 2022-May 2023 nakatapos ang DPWH ng 6,002, o 6.02% ng target na 100,000.

Madaling gumawa ng iponan ng tubig-ulan. Sa mga barangay sa kanayunan, alamin kung saan ang pinaka-mababang lugar na pampubliko. Humukay ng sapa; pwede na ang 10 x 10 metro, isang metrong lalim. Dadaloy roon ang ulan.

Lagyan ‘yon ng kangkong, at tilapia o gourami na kakain sa kiti-kiti ng lamok. Taniman ng malililim na puno at lagyan ng bangko sa paligid para maging pasyalan.

Sa mga lungsod mag-ipon ng tubig-ulan sa stainless steel storage tanks mula sa bubong ng barangay hall, public school, palengke, at rural health center.

Doon iigib ang mga residente ng tubig panlinis sa bahay, pang-hardin, at panlinis ng kalye.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

BALDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with