^

PSN Opinyon

‘Tatak Tulfo… ang tapat na paglilingkod sa masang Pilipino’

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Sa panahon nahaharap ang karamihan sa samu’t saring problema—mula sa kawalan ng trabaho, kakulangan sa serbisyong pangkalusugan, kalamidad, hanggang sa mga usaping hindi agad nabibigyang pansin ng mga kinauukulan—mahalaga ang pagkakaroon ng lider na madaling lapitan at handang makinig sa hinaing ng karaniwang mamamayan.

Isa sa mga katangiang madalas iugnay sa pangalang Raffy Tulfo ang direkta at agarang pagtugon sa mga suli­ranin ng publiko. Sa loob ng maraming taon, naging bahagi na ng kamalayang Pilipino ang istilo niyang paglilingkod na nakasentro sa mabilis na aksyon, pakikinig sa mga reklamo, at pagtulong sa mga nangangailangan. Dahil dito, marami ang nakakita ng pag-asa at pagkakataong marinig ang kanilang boses.

Sa isang lipunang madalas mabalam ang proseso ng paghingi ng tulong, ang pagiging bukas sa hinaing ng mamamayan ay mahalagang sangkap ng mabuting pamamahala. Ang pagtugon sa mga simpleng problema ng mga ordinaryong Pilipino ay hindi lamang tungkol sa serbisyo publiko kundi pagpapakita ng taus-pusong serbisyo at pa­kikipagkapwa-tao.

Ang “Tatak Tulfo” na paglilingkod ay nakaugat sa pan­ini­walang walang maliit na problema kung ito ay naka­aa­pekto sa buhay ng isang mamamayan. Mula sa mga mangga­ga­wang naghahanap ng hustisya, mga nanganga­ilangan ng tulong medikal, hanggang sa mga pamilyang dapat kagyat na maaayudahan, malinaw ang naipaparating ni Raffy Tulfo — na may gobyerno at lingkod-bayan na han­dang makinig at umalalay.

Subalit higit sa mabilis na aksyon, mahalagang tiyakin na ang mga programa para sa mamamayan ay pangmata­galan at nakabatay sa patas na pagpapatupad ng batas. Ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang pagsagot sa aga­rang pangangailangan kundi paglikha rin ng mga solusyong magbibigay ng mas maayos na kinabukasan para sa lahat. Dahil ang sandigan ng Tatak Tulfong paglilingkod ay “those who have less in life, should have more in law,” o “ang mga kapos sa buhay ay nararapat na higit na mapangalagaan ng batas”.

Ang sukatan ng isang lider ay hindi sa dami ng kaniyang pangako kundi ang lawak ng kaniyang malasakit at ang kongkretong epekto ng kaniyang ginagawa sa buhay ng mamamayan.

Napatunayan naman ng panahon na habang nananatiling bukas ang puso sa paglilingkod at inuuna ang kapakanan ng masang Pilipino, magpapatuloy ang uri ng serbisyong Tulfo na nakabatay sa integridad, sapat na aksyon at nakatuon sa kapakanan ng bayan.

 

Para sa komento: [email protected]

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with