^

PSN Opinyon

Balakubak o Dandruff

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang balakubak ay isang kondisyon sa anit na may kasamang sobrang pangangati at pagkatuklap ng balat. Ito ay hindi naman nakahahawa at hindi seryosong sakit, ngunit ang pagkakaroon ng balakubak ay nakakabahala sa iba.

Maraming posibleng dahilan ng balakubak gaya ng: (1) dry skin, (2) iritasyon, (3) seborrheic dermatitis, (4) psoriasis, (5) eczema, (6) yeast-like fungus o malassezia, (7) hindi madalas na pag-shampoo, at ( 8 ) sensitibo ang anit sa mga ginagamit na hair products.

Paano ang paggamot sa balakubak:

1. Mag-shampoo ng regular - Gumamit ng mild shampoo o non-medicated shampoo. Dahan-dahan itong i-masahe sa anit para matanggal ang mga natuklap na balat. Banlawan ito mabuti.

2. Gumamit ng medicated shampoo kung malala ang kaso ng balakubak - Hanapin ang shampoo na naglalaman ng zinc pyrithione, salicylic acid, coal tar o selenium sulfide. Ang medicated shampoo na Nizoral 1% ay nakapupuksa ng balakubak sanhi ng fungi na nanirahan sa iyong anit. Ang shampoo na ito ay mabibili sa botika over-the-counter o minsan kailangan pa nito ng reseta.

3. Itigil ang paggamit ng mga styling products - Ang hair sprays, styling gels, mousses at hair waxes ay nagiging dahilan para maging malangis o oily ang buhok at anit.

4. Kumain ng masusustansyang pagkain - Kumain ng mga pagkain na nagbibigay ng sapat na Zinc at B Vitamins na makatutulong maiwasan ang balakubak.

5. Subukan gumamit ng tea tree oil. Ang herbal na ito ay nakatutulong mabawasan ang balakubak. Ang langis ng tea tree oil ay nakukuha sa dahon at ito ay ginagamit na antiseptic, antibiotic, at antifungal.

Kung ang balakubak ay lumala o ang anit ay magkaroon ng iritasyon o sobrang pangangati, kumonsulta sa iyong doktor.

BALAKUBAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with