^

PSN Opinyon

Patawarin sa unang kasalanan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ni Marcos na kawani ng National Irrigation Admi­nistration. Nagsimula siya bilang isang laborer at uma­ngat sa puwesto hanggang maging Civil Engineer II sa isang distrito (SED) ng DPWH. Sa katunayan, naka­tang­gap pa nga siya ng halagang P1,500 bilang gantim­pala sa 10 taong tuluy-tuloy na serbisyo sa DPWH. Inire­ko­men­da rin siya para maging Engineer III sa SED ng DPWH.

Samantala, natuklasan na upang makuha niya ang gantimpala at ang promosyon, nagsumite si Marcos ng tatlong magkakaibang Personal Data Sheet – PDS/Civil Service Form 212, noong Disyembre 20, 1988, Marso 2, 1992 at 1994. Napag-alaman na magkakaiba ang laman ng tatlong PDS tungkol sa tinutukoy niyang pagtatrabaho mula 1984 hanggang 1986. Ayon sa pangalawang aplikasyon, nagtrabaho siya sa Philippine Japan Highway Loan Division ng DPWH Region 8 mula May 1, 1984 hanggang Oktubre 1986 samantalang sa pangatlong aplikasyon, nakalagay naman na nakaliban siya sa trabaho bilang City Engineer ng DPWH Region 8 mula Enero 1,1984 hanggang Oktubre 9, 1986 at katun­ayan ay nagtatrabaho siya noon sa PHILPOS Ba­ga­cay Mines ayon naman sa kanyang unang aplikasyon.

Nang kasuhan siya ng pagpapalsipika sa mga dokumento, pagsisinungaling o panloloko at pagkilos na hindi naaayon sa batas. Napatunayan ng Civil Service Commission na nagkasala siya at tinanggal sa trabaho. Nang umapela, idineklara ng Court of Appeals na gu­ mawa siya ng panloloko ngunit imbes na tanggalin sa trabaho, sinuspinde lamang siya ng isang taon na walang suweldo base sa sumusunod: 1) Nagtra­baho si Marcos sa gob­yerno sa loob ng mahigit 20 taon; 2) ito ang kauna-unahan niyang pagkaka­sala; 3) nagsimula siya bilang laborer hang­ gang umangat siya sa po­sis­yon at maging Engineer II ng SED-DPWH at 4) isi­noli naman niya ang gan­tim­palang P1,500 na kan­yang natanggap. Tama ba ang CA?

TAMA. Bagama’t ayon sa Section 53A (1) Civil Ser­vice Rules ang dishonesty ay isang mabigat na kasalanan na dapat pata­wan ng parusang pagkaka­tanggal sa trabaho kahit pa nga unang beses pa la­mang ginawa, sinasaad din sa Sec. 53 na sa pagbi­bi­gay ng parusa, dapat din ikon­sidera sa pagpataw ng parusa ang mga sirkums­tansiya na maaaring maka­pagpababa nito o ang tina­tawag na mitigating circumstances tulad halim­bawa ng tagal niya sa serbisyo, dami ng beses na ginawa niya ang kasalanan at iba pa. Sa kaso ni Mar­cos, ang 20 taon niyang pag­se­ser­bisyo sa gob­yerno na wa­lang ma­samang rekord pati na ang pagsasauli niya sa gantim­palang P1,500 ay sapat na upang pababain ang kan­yang parusa mula sa pag­ka­katanggal sa ser­bisyo hanggang sa parusa la­mang na isang taon na suspindehin sa trabaho na walang bayad. Binabalaan si Marcos na sa oras na gumawa siya ng katulad na paglabag ay talagang mas mabigat na parusa ang ipa­pataw sa kanya (Miel vs. Ma­lindog, G.R. No. 143538, February 13, 2009).   

CITY ENGINEER

CIVIL ENGINEER

CIVIL SER

CIVIL SERVICE COMMISSION

CIVIL SERVICE FORM

COURT OF APPEALS

NANG

NATIONAL IRRIGATION ADMI

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with