^

PSN Opinyon

5 food supplements: Para saan ito?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

NAPAKARAMING food supplements na mabibili sa botika. Sa dami ay nakalilito na. Dahil dito, susuriin natin ang limang popular na food supplements.

1. Silymarine – Ang silymarine raw ay para sa atay. May ibang naniniwala na kahit uminom ka ng alak o kumain nang maraming taba, ay makatutulong ang silymarine. Hindi po ganito ang paggamit nito. Ang silymarine ay binibigay lamang kung ang pasyente ay may hepatitis o cirrhosis. Kung healthy naman ang atay, puwedeng hindi na uminom ng silymarine.

Para saan ito: Hepatitis, cirrhosis.

Grado: B-

2. Coenzyme Q-10 – Ang coenzyme Q-10 ay isang anti-oxidant. May mga pagsusuri na nagpapakita na mabisa ang coenzyme Q-10 sa mga pasyenteng mahina ang puso o may heart failure. Hinihinalang baka maka­tulong din ito sa Parkinson’s disease at kanser.

Para saan ito: Heart failure

Grado: B

3. Ginkgo biloba – Ang ginkgo biloba ay nagmula sa dahon ng ginkgo tree. Ito ay nakapagpapalabnaw ng    dugo tulad ng aspirin. Kagaya ng aspirin, puwede itong maka­tulong sa pag-iwas ng istrok at heart attack. Ngunit hindi pa ito subok ng siyensiya. Dapat ding ingatan ang pag-inom ng ginkgo biloba kasabay ng Aspirin. Posibleng masyadong lumabnaw ang dugo at magdulot ng pag­durugo.

Para saan ito: Pagbabara sa ugat sa paa.

Grado: B

4. Melatonin – Ang melatonin ay isang hormone na gawa ng ating pineal gland sa utak. Nakatutulong ito sa pag-ayos ng ating pagtulog lalo na kung may jet lag. Makatutulong din ito sa pagpapahimbing ng ating pagtulog. May nagsasabi na may anti-cancer effect din ang melatonin.

Para saan ito: Pam­patulog

Grado: B+

5. Omega 3 Fish Oil –- Ang Omega 3 fish oil ay tinatayang pinakamabi­sang food supplement sa lahat. Ito’y dahil napa­tu­nayang mabisa para sa pag-protekta sa puso, pagbaba ng cholesterol, at pag-iwas sa istrok at heart attack.

Ayon sa pagsusuri, na­ki­ta ng mga doktor na ang mga umiinom ng Omega 3 ay mas-healthy kumpara sa hindi umiinom nito. Isang mabisang brand ay ang Vitahart, na mula sa Unilab.

Para saan ito: Sakit sa puso, mataas ang cholesterol.

Grado: A

Huwag po basta iinom ng food supplements. Ala­ min muna kung baba­gay ito  sa inyo. Good luck po!

* * *

E-mail: [email protected]

ANG OMEGA

COENZYME Q

GRADO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with