Protektor ng scam hub sa Pasay, hinuhubaran ng CIDG!!
Kung hindi POGO hub, scam hub naman!
Naging pugad ng ilegal na negosyo itong Pasay City at mukhang walang kakayahan si Mayor Imelda Calixto Rubiano na walisin ang taguring “Sin City” itong siyudad n’ya? Purbidadng yawaahhhhh!
Kung sabagay, ilang POGO hub na ba ang na-raid ng PAOCC sa Pasay City? At nitong Martes naman, ni-raid ni Col. John Guiagui, ng CIDG NCR, ang scam hub na matatagpuan sa 15th floor ng KE Tower Building C sa No. 160 Cuneta Avenue. Ang masama n’yan, walang maipakitang permit ang tatlong masterminds sa scam hub, ani Guiagui. Anyare Mayor Rubiano Mam?
Ano ang role nina alyas Egay, Mike at Prinsipe sa operasyon ng scam hub? ‘Yan ang inaalam sa ngayon ni Col. Guiagui. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Kaya lang bilang na rin ang araw nitong POGO hub at scam hub na nag-o-operate sa Pinas, ayon kay Guiagui.
Sinabi ni Guiagui na inutusan s’ya ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na ilambada ang lahat ng illegal na negosyo sa Pinas, lalo na ang POGO at scam hubs, na nagtatago sa likod ng mga negosyong call centers. At marami pa n’yan, maging sa Pasay City, ayon kay Guiagui. Dipugaaaaa!
“Hindi lang kasi mga dayuhan ang biktima nitong POGO at scam hubs kundi maging ang mga Pinoy. Kaya nais walisin sila ni Gen. Nartatez kasi karamihan sa naapektuhan ay ‘yaong nasa kapitbahay natin sa ASEAN countries,” ani Guiagui. Sal-it!
Timing talaga ang accomplishment na ito ni Guiagui sa ASEAN Summit sa Pinas, no mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Kaya naman na-trace ni Guiagui itong scam hub dahil may isang Indonesian na tumakas dito at humingi ng tulong sa CIDG noong nakaraang Huwebes. Siyempre, kasama ang mga tauhan ni SPD director Brig. Gen. Rodel Pastos at ng embassy of Indonesia, pinasok ni Guiagui ang scam hub. Na-rescue ang 138 Indonesian, 16 Vietnamese, 10 Chinese at dalawang Malaysian.
‘Wag kumurap mga kosa ay may kasunod pang trabaho si Guiagui. Sana hindi na sa Pasay City!
Makakatulog pa kaya ng mahimbing sina Egay, Mike at Prinsipe? Abangan!
- Latest




















