^

PSN Opinyon

Bad breath tips: Gawin itong 6 bagay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Magsipilyo ng tatlong beses sa maghapon. Alamin ang tamang paraan ng pagsipilyo. Kailangan ay matagal i-brush pataas at pababa ang ngipin. Isama rin ang dila sa pag brush. Magbaon ng sipilyo sa trabaho o paaralan para makapagsipilyo pagkatapos kumain.

2. Gumamit ng dental floss para matanggal ang mga tinga sa pagitan ng mga ngipin. Ang tongue cleaner naman ay ginagamit para sa dila. Makatatanggal ito ng mabahong hininga.

3. Uminom ng 8-10 basong tubig sa maghapon dahil kapag nanunuyo ang bibig ay matutuyuan ng laway. Ang laway ang siyang nagtatanggal ng mga dumi sa bibig. Ang mga dumi sa bibig na nabubulok ang dahilan ng mabahong amoy.

4. Magpatingin sa Dentista kada 6 buwan para tingnan ang mga gilagid at sirang ipin. At para tanggalin ang nag-iipon na plaque sa may ipin na siyang dahilan ng sakit sa gilagid na maaring umabot sa buto.

5. Bawasan ang pagkain ng tuyo, daing, bawang, sibuyas at mga pagkain na matapang ang amoy. Mawawala lang ang amoy kapag nawala na sa katawan ang kinain.

6. Iwasan ang sigarilyo.

* * *

Mga dapat at hindi dapat gawin bago humiga at matulog

1. Pagkatapos maghapunan, maghintay ng 2-3 oras bago humiga. Para hindi sumakit ang tiyan.

2. Uminom ng maligamgam na tubig, gatas o chamomile tea.

3. Iwas sa alak at kape.

4. Ihanda na ang damit para bukas.

5. Gawing komportable ang kwarto at kama.

6. Maghilamos at magsipilyo.

7. Ilayo na ang gadgets at magpahinga na.

MAGSIPILYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with