^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Maruming hangin, maruming tubig

-
HINDI lamang ang maruming hangin ang pumapatay sa nakararaming Pinoy kundi pati na rin ang maruming tubig. Sa maniwala o sa hindi, mas maraming pinapatay ang maruming tubig kaysa maruming hangin. Ayon sa United States Agency for International Development (USAID), 12 Pinoys ang pinapatay dahil sa pag-inom nang maruming tubig. Bukod sa nasasayang na buhay, nalulugi ang ekonomiya ng P67 million dahil dito.

Sinabi ng USAID na napapanahon na para mag-invest ang Pilipinas para sa wastewater treatment system. Sa kanilang pagsusuri, lumalabas na 90 porsiyento ng sewage sa Pilipinas ay hindi treated. Ito ang dahilan kaya maraming sakit na nakukuha dahil sa pag-inom ng tubig. Binanggit ng USAID na tanging ang Muntinlupa City ang may wastewater facility at ito ang dapat daw tularan ng iba pang siyudad o bayan. Successful model ang Muntinlupa City na kinaroroonan ng low-cost wastewater treatment facility.

Ganoon man sinabi ng USAID naka-schedule na rin naman ang pagtatayo ng wastewater treatment sa Calbayog City, Dumaguete, Iloilo, Malaybalay, Naga at San Fernando, La Union. Ito ay kanilang aasistehan para magkaroon nang malinis na tubig sa mga nabanggit na lugar at nang maiwasan ang mga sakit.

Ilang taon na ang nakararaan, may mga residente sa isang lugar sa Tondo ang dumanas ng pagsusuka at pagtatae. Ilang linggong nagkaroon ng epidemya sa lugar na iyon at ang dahilan ay ang nainom nilang tubig. Nakontamina ang tubig na dumadaloy sa tubo. Pinasukan ng mga bakterya na galing sa poso negro at iyon ang nagdulot ng sakit. Dahil kalawangin na ang mga tubo sa ilalim, madaling pumasok ang mga dumi.

Makatotohanan ang sinabi ng USAID na dapat mag-invest ang local government sa water treatment system upang mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan. Medyo malaking gastos nga lang ang kakailanganin pero maililigtas naman ang mamamayan sa pagkakasakit at sa tiyak na kamatayan.

Nakapangangamba na 12 Pinoy ang namamatay araw-araw dahil sa pag-inom nang maruming tubig. Maaari naman itong maiwasan kung magkakaroon lamang nang mahusay na plano ang namumuno sa bayan. Masosolusyunan hindi lamang ang maruming tubig kundi pati na rin ang maruming hangin.

CALBAYOG CITY

ILANG

INTERNATIONAL DEVELOPMENT

LA UNION

MARUMING

MUNTINLUPA CITY

PILIPINAS

PINOY

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with