^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mainit ang panahonkaya mag-ingat sa apoy

-
MAY extension pa ang Fire Prevention Month kaya dapat na mag-ingat sa sunog ang mamamayan. Nararapat namang paigtingin ng Bureau of Fire Protection ang kanilang kampanya na magbigay ng babala sa mamamayan na mag-ingat sa sunog. Wala man lamang hakbang na ginagawa ang BFP para maipamulat sa taumbayan na laging mag-ingat sa sunog. Ipaunawa ng BFP sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo sa telebisyon, diyaryo at radyo ang mga dapat gawin para maiwasan ang sunog. Magsagawa pa nang malawakang kampanya para malaman ng mamamayan ang dapat gawin sa panahong may sunog.

Kadalasang pinagmumulan ng sunog sa kasalukuyan ay ang kandilang natumba, overloaded na kawad ng koryente at ang bagong natuklasan na dispalinghadong electric fan na yari sa mumurahing plastic. Kapag nag-init ang plastic na electric fan, magsisimula na rito ang sunog. At sa bilis ng pagkalat ng apoy, magugulantang na lamang ang mga residente na nilalamon na sila nito. Huli na para makatawag ng mga bumbero. Tupok na ang mga ari-arian dahil sa plastic na electric fan.

Sabi ng weather bureau, matagal pang mararanasan ang mainit na panahon. Sabi nila katapusan pa ng Mayo magkakaroon ng pag-ulan. Ibig sabihin, nakaamba pa rin ang mga sunog na maaaring maganap dahil sa mainit na panahon. Sa nakalipas na dalawang araw, anim na sunog ang naganap sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. Sa sunog sa BF Homes, Parañaque kamakalawa ng umaga, isang mag-asawa ang namatay makaraang masunog ang kanilang bahay. Nagsimula ang sunog sa kuwarto ng mag-asawa. Faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog.

Halos kasabay ng sunog sa Parañaque, nagkaroon din ng sunog sa Paco, Sampaloc, Divisoria at sa Binondo, Manila. Noong isang araw, nagkaroon din ng sunog sa Little Quiapo sa Maynila. Milyong piso ng ari-arian ang natupok sa mga nangyaring sunog.

Sabi nga sa kawikaan, manakawan ka na ng ilang beses ay huwag lang masunugan. Kapag nanakawan ay marami pang matitira subalit kapag nasunugan, abo ang ititira sa iyo.

Ang pag-iingat sa panahong ito ay dapat na isaisip. Oo nga at nararapat na ang gobyerno ay dapat magpaalala at magbigay ng mga babala laban sa sunog pero mas dapat na maging handa at laging aware ay ang mamamayan na mismo. Maging mapagmasid at alerto ngayong uso ang sunog. Huwag nang hintaying makapaminsala ang salot.

vuukle comment

BINONDO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAPAT

FIRE PREVENTION MONTH

KAPAG

LITTLE QUIAPO

METRO MANILA

SABI

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with