^

Metro

P34 milyong ‘bato’ nakumpiska ng PDEA sa buy-bust

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
P34 milyong �bato� nakumpiska ng PDEA sa buy-bust
Ang 5 kilos ng shabu na nasabat ng PDEA sa buy- bust operation sa Caloocan.
PDEA PIO

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-National Capital Region ang nasa P34 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nasa kustodiya naman nang PDEA ang mga ‘tulak’ na sina alyas Al, 39; alyas Sammy, 22; alyas Amy, 19 pawang mga  Blk 3, Lot 38, Abel St., Kingstown 2, Caloocan City at alyas Ferds, 18, ng Divisoria, Zamboanga City.

Batay sa report ni PDEA Regional Director NCR Emerson Rosales, nakipagtransaksiyon ang poseur buyer sa mga suspek ng 5 kilos ng shabu sa mga suspek sa Blk 3 Lot 38 Kingstown 2 ng nabanggit na lungsod.

Bandang alas-10:50 ng gabi nang ikasa ang  buy-bust operation kung saan nakuha ang  limang  yellow-gold foil packs na may label na “GUANYINWANG” na naglalaman ng  shabu na nagkakahalaga ang  P34,000,000.00. Nakuha rin sa mga suspek ang isang sasakyan, cellular phones, buy-bust money, at mga  identification cards.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5  at 11 ng Art. II ng RA 9165 ang apat na suspek.

NCR

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with