^

Metro

Poll watchdog hiling sa PNP ang dagdag na pulis vs vote-buying

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling kahapon ng Las Piñeros Movement for Change (LPMFC) sa Philippine National Police (PNP) na tutukan ang deployment ng karagdagang tauhan sa mga ‘election hotspot’ sa lungsod matapos lumaganap ang pamimigay ng cash assistance at ayuda sa mga botante.

Nakiusap din si Leonilo Mende, chairman ng LPMFC, sa Commission on Elections na sitahin at kasuhan ang mga sangkot sa maituturing na vote buying ng mga tauhan ng isang kandidato dalawang linggo bago magsimula ang local election campaign para sa May midterm elections.

“Halos kada-araw na ang nagaganap na pamimigay ng ayuda at  cash assistance sa  mga barangay sa halagang P3,000 na idinedeklarang mula sa bulsa ng isang kandidato pero ito ay tulong sa mga kapos palad ng pamahalaang pambansa,” ayon kay Mende.

Sabi ni Mende, dapat siguro na dagdagan ang paglalagay ng mga checkpoint at pinaigting na intelligence operations ng PNP sa lungsod upang matiyak ang maayos at mapayapang pagsasagawa ng May 2025 elections.

Hinimok ng LPMFC ang publiko na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa pagbili at pagbenta ng boto sa Las Piñas kung saan ay napaka-influential ang isang grupo ng mga kandidato sa halalan.

Maituturing itong election offense, at parurusahan ang sino mang tao, institusyon, o grupong manga­ngako ng pera, o ano mang pabor sa isang botante para iboto ang isang kandidato.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->