Kandidatong konsehal sa Abra, itinumba

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang kandidatong konsehal sa bayan ng Pilar, Abra nang ito ay barilin, kamakalawa ng hapon sa Barangay Dintan.
Ang nasawing biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Melchor Gatmen.
Ayon sa pulisya, alas-5:00 ng hapon ay pauwi na si Gatmen sakay ng kanyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang isang hindi pa nakikilalang gunman at binaril siya sa dibdib.
Tumakas ang suspek at patuloy na tinutugis ng mga otoridad.
Mariing kinondena ng mga netizen at kaanak ng biktima ang pamamaslang na naganap dalawang linggo bago magsimula ang lokal na kampanya.
Itinuturing na election hotspot ang Pilar at ang kabisera ng probinsya, ang Bangued, na nasa “orange” category dahil sa seryosong banta ng karahasan.
- Latest