^

Metro

Urdaneta mayor, vice mayor Parayno ‘di na papayagang makapasok sa city hall

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines —  Kinordon na ng mga tauhan ng PNP at DILG ang luma at bagong city hall ng Urdaneta City, Pangasinan para tiyaking hindi na makakapasok dito ang magpinsang sina Urdaneta city Payor Julio Parayno Jr. at Vice Mayor Jimmy Parayno.

Ito ay makaraang ipag-utos ni DILG Secretary Jonvic Remulla kay DILG Region 1 Director Jonathan Leusen ang execution sa utos ng Malakanyang na 1 year suspension laban sa kanila kaugnay ng kasong grave misconduct at grave abuse of authority.

Nakasaad sa ipinalabas na kautusan ni Secretary Remulla na huwag papasukin sa city hall at extension office nito ang mga Parayno nang makarating sa kanya ang report na kahit na naigawad ng DILG ang suspension order ng Malakanyang sa mag pinsang Parayno noong January 7, 2025  ay patuloy pa ring pumapasok sa city hall ang mga Parayno hanggang kahapon.

Nang malaman ni Remulla ang pag-isnab ng mga Parayno sa utos ng Malakanyang ay agad na naglabas ng 10 araw na ultimatum ang kalihim para sundin ang 1 year suspension order.

Noong January 3 ngayong taon ay inutos ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa DILG na ipatupad ang 1 year suspension order matapos mapatunayang guilty sa kasong grave abuse of authority at grave misconduct nang ilegal na palitan sa puwesto si Punong Barangay Michael Brian Perez bilang Presidente ng Liga ng mga Barangay noong 2022.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with