^

Metro

Mag-asawa, 2 pa sugatan sa pagsabog ng LPG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Apat katao ang sugatan sa pagsabog ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Quezon City at Valenzuela City nitong Biyernes.

Dakong alas-2:10 ng madaling araw kamaka­lawa nang sumabog ang LPG habang nagluluto ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Central, Q.C.

Isinugod ang mag-asawa sa ospital matapos magtamo ng mga paso sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan.

Inaalam pa ng arson investigator halaga ng mga natupok na mga ari-arian.

Sa Valenzuela City, sugatan naman ang dalawang obrero nang sumabog ang tangke na kanilang nire-repair gamit ang acetelyne sa T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales.

Ayon sa ilang residente, tumilapon ng ilang metro ang isa sa biktima dahil sa lakas ng pagsabog.

Inaalam na ng mga awtoridad ang posibleng pananagutan ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ng dalawang trabahador.

LPG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with