^

Metro

P340 milyong ‘bato’ nakumpiska ng PDEA

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P340 milyong �bato� nakumpiska ng PDEA
Ang 50 kilong mga shabu na nagkakahalaga ng P340 milyon na nasamsam ng PDEA mula sa dalawang drug suspects sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.
PDEA PIO

2 bebot na ‘tulak’ timbog

MANILA, Philippines — Umaabot sa P340 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam sa joint operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at  Philippine National Police (PNP) sa Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Sa operasyon ng PDEA Intelligence Service (IS), PDEA NCR Southern District Office at PNP SDEU Muntinlupa, naaresto ang dalawang babaeng ‘tulak’ na sina alyas Tita Joy at alyas Liezel, kahapon ng umaga sa South Green Heights Village, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Bumulaga sa mga awtoridad ang white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na nakalagay sa isang kahon na may 25 golden aluminum packs, isang bagahe na 20 vacuum sealed orange packs na may label na “Cote d’Ivoire”, at isang ecobag na naglalaman ng 5 vacuum sealed orange packs na may label na “Cote d’Ivoire”.

Ang mga nasabat na illegal drugs ay tinatayang nasa 50 kilo na may street value na P340 milyon.

Sasampahan ng paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang babaeng ‘ tulak’.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->