^

Metro

MMDA, Parañaque LGU lumagda ng MOA vs baha

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinigay na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 25 trash trap at mahahalagang kasangkapan sa Pamahalaang Lungsod ng Parañaque bilang bahagi ng mga pagsisikap sa pamamahala ng baha sa lungsod, kahapon.

Magkasama sina MMDA Chairman Atty. Don Artes at  Parañaque City Mayor Eric Olivarez at 1st District Rep. Edwin Olivarez, sa ceremonial signing ng Memorandum of Agreement para sa operasyon at pagpapanatili ng mga naka-install na trash traps sa 10 barangay at turnover ng mga mahahalagang kagamitan na ginanap sa Parañaque City Hall Lunes ng umaga.

Binigyang-diin ni Artes ang pangako ng ahensya sa pagsuporta sa mga pagsisikap na mapabuti o mapanatili man lang ang kalinisan at kaayusan sa Para­ñaque, na naaayon sa kampanyang “Kalin­san sa Bagong Pilipinas” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kabilang sa nilagyan ng  trash traps ang Barangays San Isidro, Moonwalk, San Dionisio, San Antonio, BF Homes, Vitalez, Merville, Don Bosco, Tambo, at Don Galo.

MMDA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->