^

Metro

‘Back-to-School Shoe Bazaar’ binuksan muli sa Marikina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod ng nalalapit nang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral, binuksan muli ng Marikina City government ang taunang “Balik-Eskwela Shoe Bazaar” sa lungsod kahapon.

Mismong si Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang nanguna sa ribbon-cutting ceremony para sa opis­yal na pagbubukas ng bazaar, kasama ang mga Marikina City councilors, at iba pang opisyal ng city government.

Nabatid na ang shoe bazaar ay matatagpuan sa Marikina Freedom Park, sa tapat ng Marikina City Hall, at kinatatampukan ng nasa 43 leather goods stalls.

Maaaring makabili rito ng maga­ganda, matitibay at murang-murang mga sapatos hanggang sa Agosto 18, bago ang pasukan sa eskwela sa Hulyo 29.

“Napakalaking serbisyo po nito sa mga kababayan natin, hindi lang mga taga-Marikina, kundi pati sa mga karatig pook natin,” ayon kay Teodoro.

Hinikayat ng alkalde ang publiko na sa shoe bazaar na lamang bumili ng sapatos para sa kanilang mga anak, dahil bukod sa makakatipid na sila ay makatutulong pa sa mga lokal na negosyo sa bansa. Nagpaabot din siya ng pasasalamat kay Tony Andres, chairperson ng Philippine Footwear Federation, Inc., at lahat ng taong nag-organisa sa shoe bazaar.

vuukle comment

SHOE BAZAAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with