Vico-Dodot tandem,naghain ng COC para reelection
MANILA, Philippines — Magkatandem pa rin sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Vice Mayor Dodot Jaworski, kasunod ng kanilang paghahain ng certificate of candidacy para sa reelection kahapon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa lungsod.
Sinamahan si Mayor Vico ng kanyang mga magulang na sina Coney Reyes at Vic Sotto habang si Jaworski ay ang maybahay na si Mikee Cojuanco.
Kapwa tumatakbong independent candidate sina Sotto at Jaworski para sa 2025 midterm elections matapos umalis sa Aksyon Demokratiko.
“The first term, we started a lot of reforms, we introduced a lot of changes in the city. Second term, we started to institutionalize; third term, ito na siguro ‘yung masasabi nating exciting part,” ani Sotto .
Sakaling palarin muli, isusunod na proyekto ni Sotto ang pagkakaloob ng pension sa mga senior citizen at pagpapatayo ng bagong city hall.
Gayundin si Jaworski na kung makakaupo sa ikalawang termino ay tututukan ang mga local legislation para sa edukasyon at livelihood sa layuning matugunan ang problema sa kahirapan.
Inaasahan naman na makakatunggali ni Sotto sa pagka-alkalde ang maybahay ng isa sa may-ari ng St. Gerrard General Contractor and Development Corporation (SGGCDC) na si Sarah Discaya habang si Jaworski naman ay makakalaban si dating Pasig Vice Mayor Iyo Caruncho Bernardo.
- Latest