^

Metro

PNP tukoy na ‘areas of concern’ sa halalan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilang buwan bago ang 2025 midterm elections, natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang mga itinuturing na ‘areas of concern’.

Ito naman ang sinabi ni PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo kasabay ng pagsusumite nila ng listahan ng mga “potential election Areas of concern”  sa  Commission on Elecions (COMELEC).

Ayon kay Fajardo kasalukuyan nang sumasailalim sa beripikasyon at validation ang mga lugar upang maideklara ng Comelec kung kabilang ito sa mga ‘areas of concern’.

Paliwanag ni Fajardo, kailangan na ma-validate ang mga lugar kung saan kabilang sa ikinokonsi­dera ay ang pagkakaroon ng mga election-related incidents at private armed groups.

Tumanggi naman si Fajardo na ihayag ang bilang ng mga lugar sa bansa na ‘areas of concern’ sa pangamba na makaapekto ito sa mga residente at mga botante. “Ang purpose po ng determination ay kung ilang mga pulis po ang ilalagay natin at areas of concern, at ilan ang malalagay sa Comelec control,”  ani Fajardo.

Matatandaang una nang inutos ni PNP chief Gen. Rommel Marbil sa kanyang mga chief of police na simulan nang tukuyin ang mga “election areas of concern” sa nalalapit na halalan.

Hangad lamang aniya ng PNP na maisagawa ng maayos at tahimik ang eleksiyon.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with