^

Metro

Grupo ng mga guro nagpiket, ‘di pinalusot sa Mendiola

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Grupo ng mga guro nagpiket, ‘di pinalusot sa Mendiola
Hindi na nakaporma pa ang mga raliyista makaraang harangin ng mga pulis nang magtangkang pumasok sa Mendiola palapit sa Palasyo ng Malacañang kasabay ng pagdiriwang ng National Teacher's Day sa Maynila kahapon.
Bagong Pilipinas

MANILA, Philippines — Bigo ang mga raliyista na pinangunahan ng grupo ng mga guro na makapasok sa Mendiola nang harangin ng mga pulis, sa bahagi ng CM Recto, tapat ng San Sebastian St., sa Maynila, kasabay ng pagdidiriwang ng National Teacher’s Day, kahapon.

Nabatid na nagtipun-tipon sa España bago nagmartsa patungong Mendiola ang mga gurong nag-aalsa nang hindi sila palusutin ng barikada ng mga pulis na pawang may kalasag.

Sa ulat ng Manila Police District-Barbosa Police Station, nagsi­mulang magprograma ang mga raliyista alas-2:00 ng hapon at nagtapos pagsapit ng alas-3:24 ng hapon sa CM Recto, tapat ng KFC sa panulukan ng San Sebastian St.

Ang mga raliyista ay kinabibilangan ng mga grupong MPSTA ACT NCR Union, UP Alliance workers at Arpak na pinangunahan ng mga lider na sina Lisa Masa, Vladumir Qetua at Ruby Bernendo, na tinatayang nasa 200 ang lumahok.

Panawagan nila ay ang “Salary Increase Now”, “Sweldo Itaas, Presyo Ibaba”, pagba­sura sa EO 64 (Upda­ting The Salary Sche­dule For Civilian Go­vernment. Perso­ nnel And Authorizing The Grant Of An Additional. Allowance, And For Other Purposes), Ibasura Ang UP-AFP Declaration of Cooperation, Itaguyod Ang Karapatan sa pag-uunyon, Ita­guyod Ang Kalayaang Akademiko, Ibigay Ang mga Benepisyo ng mga Guro at Kawani, Itigil Ang mga take sa mga guro at paaralan, Sahod sa Pribado, Ipantay sa Publiko, Ipaglaban Ang Makabayan Siyentipiko at Maka Masang- Edukasyon, at “Sahod, Edukasyon, Karapatan, Kasarinlan, Ipaglaban”.

BIGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with