^

Metro

Traslacion 2025 aarangkada na

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Traslacion 2025 aarangkada na
Devotees line up to touch and wipe with their handkerchief or towel the feet of the Nazareno image during the first day of "Pahalik" at the Quirino Grandstand in Manila on January 6, 2025.
STAR/ Edd Gumban

Higit 6.5 milyong deboto inaasahan

MANILA, Philippines — Inaasahan ng mga awtoridad na mas magiging maayos at mas mabilis ang pagdaraos ng Traslacion 2025 ngayong Huwebes dahil na rin sa ilang mga pagbabagong ipinatutupad dito. Ayon kay Alex Irasga, technical advisor ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno, kung inabot ng halos 15-oras noong nakaraang taon, posibleng mas mapaaga ang pagbabalik ng Poong Hesus Nazareno sa simbahan ng Quiapo matapos na ayusin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga baku-bakong kalsada na daraanan ng Traslacion.

Magiging magaan din ang Andas dahil wala nang makakasampa pa rito matapos na gawing flat ang paligid at madulas.Aniya, inaasahan kasi nilang mas kakaunti na lamang ang mga debotong makakasampa sa andas na sinasakyan ng Poong Itim na Nazareno ngayong taon.

Ilang miyembro rin ng Hijos ang mangunguna na magtuturo ng direksiyon upang tuluy-tuloy ang andar ng Andas. Malaking tulong din na hindi binago ang ruta ng Traslacion ngayong taon, kaya’t kabisado na ito ng nga deboto.

Sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGen. Anthony Aberin na inaasahang mahigit 6.5 milyong deboto ng Nazareno ang lalahok sa Traslacion ngayon araw. Nakalatag na ang lahat ng seguridad partikular ang nasa 14,000 pulis upang matiyak na payapa at maayos ang Traslacion.

Pahihintulutan naman ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na sumakay ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang mga nakayapak na deboto ng Nazareno. Ang mga ruta ng Traslacion 2025 at ang Quiapo Church ay accessible sa mga istasyon ng LRT-1, kabilang na ang United Nations Station, Central Station, Carriedo Station at Doroteo Jose Station, kaya’t inaasahang maraming deboto ang gagamit ng naturang transportasyon para sa mas mabilis at ligtas na pagbiyahe.

Ang unang biyahe ng LRT-1 ay magsisimula ganap na alas-4:30 ng madaling araw habang ang last trip mula sa Dr. Santos Station ay aalis ng alas-10:00 ng gabi habang ang mula sa Fernando Poe Jr. Station ay bibiyahe naman ng alas-10:15 ng gabi.

Samantala, hanggang alas-2 ng hapon lamang ang pasok ngayong araw sa Senado dahil sa inaasahang matinding trapik sanhi ng pagsasara ng mga kalye at traffic rerouting dahil sa prusisyon ng imahe ng Poong Nazareno.

Base sa advisory na inilabas ni Senate Secretary Atty. Renato Bantug, Jr., inutos ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hanggang alas-2 ng hapon lamang ang trabaho sa Senado upang mas maagang makauwi ang mga empleyado na maaapektuhan nang pagsasara ng mga kalsada.

Gayunman, maaari namang magpatuloy ang mga hearings, technical working group at iba pang meetings. Ang mga naka-assigned na staff ay inatasan na magbigay ng kinakailangang technical at administrative assistance.

Hindi naman kasama sa pinaikling oras ng trabaho ang Office of the Sergeant-At-Arms at Maintenance and Gene­ral Services Bureau personnel na sumusunod sa “shifting schedule.” — Ludy Bermudo at Malou Escudero

TRASLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with