^

PSN Palaro

Ateneo at NU kakalsuhan ang kamalasan

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Ateneo at NU kakalsuhan ang kamalasan
UAAP
STAR / File

MANILA, Philippines — Pakay ng Ateneo De Ma­nila University at Natio­nal University na tuldukan ang kanilang mga kamalasan sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament.

Pero isa lang ang matu­tupad ang asam dahil magkatapat sila ngayong alas-6:30 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Galing sa four-game lo­sing skid ang Bulldogs, ta­ngan nila ang 1-5 karta kaya asahang gagawin nila ang lahat para masikwat ang matagal ng inaasam na panalo.

Tiyak na kakapit ang Bulldogs sa mabangis na opensa nina Steve Nash En­riquez at Jojo Manansa­la para ibangga sa mga ti­rador ng Blue Eagles.

Para sa Ateneo na ka­pa­rehong karta ng Bulldogs ay sisikapin naman nilang kal­suhan ang pangalawang sunod na kabiguan ka­ya asahang bakbakang uma­atikabo ang masisilayan ng mga fans dahil pareho ang plano ng dalawang ko­ponan.

Samantala, maghaha­rap sa unang laro ang Far Eastern University of Tamaraws at University of Sto. To­mas Growling Tigers sa alas-4:30 ng hapon.

Iba naman ang nais ng Tamaraws.

Ito ang maipagpatuloy naman ang nasimulan na pa­nalo upang mapanatiling may tsansa sa asam nilang makapasok sa Final Four.

Magkakatulad ang ba­raha ng FEU, NU at Ate­neo kaya kailangan nilang mag­panalo sa mga natitira nilang laro sa nasabing double round robin format.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with