^

Metro

Ating Guro Partylist-TDC kukuha ng puwesto sa Kongreso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaugnay ng selebrasyon ng World Teacher’s Day kahapon, Oktubre 5, inihayag ng Ating Guro Partylist na sisikapin nilang makakuha ng ­“upuan” sa Kongreso  kaugnay ng 2025 midterm elections.

Sa isinagawang Istambay (Ikaw, Sila, Tayo Maglilingkod sa Bayan) Forum na pinangunahan nina Rick Sakai III, sinabi ni  Ating Guro Partylist spokesperson at Teachers Dignity Coalition chairman Benjo Basas na kailangan pa ng mga guro ng karagdagang kakampi sa Kongreso upang mabig­yan hustisya ang kanilang mga pagtuturo gayundin sa sahod at benepisyo na kanilang natatanggap.

“Sabi nila ang teaching profession is the ‘noblest profession’, pero bakit napakababa ng sweldo mo na kaila­ngang pasado ka sa Licensure Examination,” ani Basas.

Nakakalungkot na posibleng ang mababang sahod ng mga guro ang dahilan ng pagbaba ng sistema ng edukasyon sa bansa.

Paliwanag ni Basas, sa P28,000 na sweldo kada buwan ng mga guro, hindi masisisi ng gob­yerno ang mga guro na umalis ng bansa at magturo sa Vietnam, Cambodia at Thailand. Aniya, ang dapat na solusyunan gobyerno.

Ani Basas, ang pagbibigay ng malaking budget sa edukasyon ang tanging solusyon lalo na’t lumalabas sa Congressional hea­rings na maraming nasasayang at nawawaldas na pera ng pamahalaan sa ma­ling gastusin.

Dagdag pa ni Basas hindi dapat na hayaan ng Lumilitaw na Ating Guro Partylist na na­nalo noong 2016 pero hindi sila pinaupo.

ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with