^

Metro

Salpukan ng motorsiklo at jeep: Rider, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Salpukan ng motorsiklo at jeep: Rider, patay
Naisugod pa sa Morong Provincial Hospital System ang biktimang nakilala lang na si Freddie Bondag ngunit namatay rin dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang rider ang patay nang masalpok ng sinasakyan niyang motorsiklo ang isang nakasalubong na rebuilt jeepney sa Tanay, Rizal nabatid kahapon.

Naisugod pa sa Morong Provincial Hospital System ang biktimang nakilala lang na si Freddie Bondag ngunit namatay rin dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek na si Mario Orio Jr., na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property sa piskalya.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, alas-11:42 ng gabi ng Oktubre 22 nang maganap ang aksidente sa Sampaloc Road, Sitio Sambal, Brgy. Plaza Aldea, sa Tanay.

Sakay ang biktima ng kanyang Kawasaki motorcycle na may plakang WG3433 at binabaybay ang Sampaloc Road kasalubong ang Rebuilt Jeep na may plakang VBL-925, na minamaneho ni Orio, patungong Tanay Proper.

Pagsapit sa naturang lugar ay bigla umanong nag-overshoot at nasakop ng motorsiklo ang kabilang lane sanhi upang makasalpukan nito ang jeepney.

Sa lakas ng impact ng salpukan, tumilapon ang biktima at nagtamo ng matinding pinsala.

Kaagad rin siyang naisugod sa pagamutan ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor dakong alas-3:33 ng madaling araw kamakalawa.

vuukle comment

MORONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with