LGUs ahensyang may pinakamaraming kaso - Ombudsman
MANILA, Philippines — Sa ikatlong sunod na taon, nangunguna pa rin ang mga local government unit (LGU) sa mga may hinaharap na kaso, ayon sa Office of the Ombudsman ngayong Huwebes.
LGU ang nangunguna na may 2,014 na kaso mula sa 12 ahensya ng gobyerno na inilabas ng Finance and Management Information Office ng Ombudsman.
"For the third straight year, local government units (LGUs) topped the list," ayon sa Ombudsman FMIO.
Sumunod sa listahan ang mga tagapagpatuad ng batas na Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na may 1,312 at 246 na kaso, ayon sa pagkakasunod.
Nasa pang-apat hanggang pang-10 puwesto ang mga sumusunod:
4. Department of Environment and Natural Resources (156)
5. Department of Education (117)
6. Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, Bureau of Fire Protection (108)
7. Bureau of Customs (76)
8. Department of Finance (74)
9. State Universities and Colleges (56)
10. Bureau of Jail Management and Penology (53)
Samantala, kahit na nangunguna ang LGUs ay bumaba naman ang bilang ng mga kinahakaharap nilang kaso mula noong 2011.
"In 2011, a total of 3,852 cases were filed against LGU officials and this figure once again dropped in 2012 with a total of 2,669 cases," ayon pa sa Ombudsman.
- Latest