^

Metro

Security agency ng Forbeswood kinasuhan ng Taguig Police

Lordeth Bonilla at Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang kinasuhan  ng  Taguig City Police ang security agency ng Forbeswood Heights Condominium  kung saan nabugbog ang actor-TV host na si Vhong Navarro sa Department Of Justice (DOJ).

Sa complaint affidavit ng Taguig City Police sa pangunguna ng kanilang hepe na si Senior Supt. Arthur Felix  Asis na isinumite  sa DOJ, paglabag  sa Republic Act 5487 o Private Security Agency Law at Presidential Decree 1829, obstruction of justice ang isinampa nila laban sa Megaforce Security Services.

Kabilang sa mga kinasuhan ay  sina Roderick Garbin, chief security ng  Megaforce Security Services; mga guwardyang sina  Jeffrey Veniegas; Romeo Nevado Jr.; Maximo Maregildo, Investigation head; at ilan pang John Does.

Nakasaad sa reklamo ng Taguig City Police na nagkaroon ng paglabag ang Megaforce Security Services,   dahil   hindi sila  kaagad  nakipag-unagnayan at nakipagtulungan  hinggil sa insidente nang panggugulpi kay Navarro ng tropa nina Cedric Lee at Deniece Cornejo noong Enero 22.

Gayundin sa insidente na inaakusahan ni Cornejo si Navarro na tinangka umano siyang halayin nito na naganap rin aniya mismo sa naturang condo unit.

Ayon sa Taguig City Police, nalaman pa nila ang insidente sa media, na dapat aniya responsibilidad ng mga guwardya na kaagad ipagbigay alam sa mga awtoridad ang mga nagaganap sa   kanilang binabantayan.

Dahil dito hindi nai-preserve ang mga ebidensiya, na malinaw aniya na paglabag   sa batas. Sinasabi pa rin sa reklamo ng Taguig City Police  na noong Enero 25 nang magpunta ang mga pulis para imbestigahan ang in­sidente,  hindi rin nakipagtulungan ang mga guwardya ng Megaforce at itinanggi pa nila na may naganap na bugbugan sa naturang lugar.

vuukle comment

ARTHUR FELIX

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENERO

FORBESWOOD HEIGHTS CONDOMINIUM

MEGAFORCE SECURITY SERVICES

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with