^

PSN Palaro

Yulo lilipad sa Japan sa Oktubre 14

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang magtu­ngo si Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo sa Japan para pasalamatan ang mga personalidad at grupo na tumulong sa kanya doon.

Tutulak sa Tokyo si Yulo sa Oktubre 14 hanggang 18 kung saan kabilang sa pupuntahan nito ang Teikyo University kung saan ito nag-aral bilang iskolar.

Makikipagkita si Yulo sa pangulo ng unibersidad para personal itong pasa­lamatan.

Inaasahang makiki­pagkita rin ito kay Japanese coach Munehiro Kugimiya na siyang humubog kay Yulo para maging isang world-class gymnast.

Matatandaang si Kugi­miya ang naging katuwang ni Yulo sa pagkopo ng kan­yang kauna-unahang world title noong 2019 sa World Championships matapos nitong pagharian ang men’s floor exercise

Maraming nakalinyang torneo ang paghahandaan ni Yulo sa susunod na taon.

Ilan dito ang World Cup na gaganapin sa Cottbus, Germany sa Pebrero 20 hanggang 23 para sa first leg; sa Marso 6 hanggang 9 sa Baku, Azerbaijan para sa second leg; at sa Marso 20 hanggang 23 sa Antalya, Turkey para sa third leg.

Bukod pa rito ang SEA  Games na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa Dis­yembre.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with