2 lalaki itinumba, isinako sa QC
MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki na kapwa may bakas ng pananakal sa leeg at nababalutan ng packaging tape ang ulo at mga kamay saka isinilid sa sako ang magkasunod na natagpuan sa isang barangay sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang mga bangkay ay natagpuan sa kahabaan ng Waling-waling St., corner Sauyo Road, Brgy. Sauyo, Novaliches sa lungsod, ganap na alas-5 ng umaga.
Pawang walang pagkaÂkakilanlan ang dalawang biktima, maliban sa kaÂsuotan nila kung saan ang isa ay naka-suot ng itim na shorts, katamtaman ang pangangatawan, may taas na 5’2’’, at may itim na kuÂwinÂtas na may pendant. Habang ang isa naman ay nakasuot ng maong na shorts, katamtaman din ang pangangatawan, at may taas na 5’4’’. Kapwa nasa pagitan ng edad 25-30 ang mga biktima.
Sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Llapitan, may-hawak ng kaso, lumilitaw na unang natagpuan ang bangkay ng nakasuot ng itim na shorts ng isang Ruben Osma, barangay tanod.
Ilang minuto ang lumipas ay natagpuan naman ng tricycle driver na si Benjamin Paragas, hindi kalayuan sa unang biktima, ang bangkay ng isa pang biktima, habang binabagtas ng una ang Sauyo Road, malapit sa Camella Homes.
Ayon kay Llapitan, ang mga bangkay ay halos parehas ang dinanas na kamatayan tulad ng panaÂnakal sa kanilang leeg base sa nakitang bakas o sugat mula dito, gayundin sa kanilang pulso at hita.
Halos parehas ding nakasilid sa puting sako ang nasabing mga biktima.
- Latest