^

Metro

LRT-2 at MRT-3, may libreng sakay sa mga Marino bukas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil may handog na libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga seafarers sa Hunyo 25, Miyerkules. 

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang free rides ay bahagi ng pakikiisa nila sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer. 

Ang libreng sakay ng LRT-2 sa mga marino mula 7:00am hanggang 9:00am at mula 5:00pm hanggang 7:00pm habang  ang

MRT-3 naman ay magkakaloob ng libreng sakay, simula 5:30am hanggang matapos ang kanilang operasyon.

Upang maka-avail ng libreng sakay, kinakailangan lamang ng mga marino na ipakita ang kanilang balidong Seafarer’s Record Book (SRB), Seafarer’s Identity Document (SID) o kaya’y Seafarer’s Identification Booklet (SIB).

LRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with