^

Metro

DOJ di susuko sa kaso ng Missing Sabungeros

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa mga pamilya ng missing sabungeros na hindi nila susukuan ang kaso at sa halip ay ipupursige ang imbestigasyon upang makasuhan ang dapat managot.

“Talagang hindi kami naggi-give-up, we have not given up on anything or anybody, ganon lang talaga mabagal minsan ang kaso, ito po ay pro­seso kinakailangang may ebidensya na makakalap at ginagawa po namin ang lahat,” ani Remulla.

Hindi man idinetalye, sinabi ni Remulla na may close coordination ang DOJ kay Philippine National Police Chief, Ge­neral Nicolas Torre III.

Una nang sinabi ni Remulla na siniseryoso nila ang mga ibinunyag ni alyas “Totoy” hinggil sa pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabu­ngero.

Sa katunayan sinisimulan na ang pagpapahanap sa mga labi sa Taal Lake.

Aniya, pinoproseso na ang mga impormasyon kabilang ang testimonya ng whistleblower na nagsabing itinapon sa Taal Lake sa Batangas ang mga nawawalang sabungero.

May hawak din aniya, silang ibang klaseng ebidensya na maaring gamiting corroborative ­evidence.

DOJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with