fresh no ads
Bangkarote! (Saved by the yellow bell) | Philstar.com
^

The Budgetarian

Bangkarote! (Saved by the yellow bell)

FQ (Financial Quotient) - Rose Fres Fausto - Philstar.com
Bangkarote! (Saved by the yellow bell)
Thirty-six years after the peaceful revolution and we seem to still have the same problems – poverty, corruption, etc., and we’re still a third world country.

Thirty-six years ago, we were “saved by the yellow bell” in the world-renowned peaceful People Power Revolution, also known as EDSA Revolution. Unfortunately, the current administration has managed to smear this national pride of getting rid of a dictator without bloodshed that was copied by other nations, with a derogatory label of “dilawan.” 

Thirty-six years after the peaceful revolution and we seem to still have the same problems – poverty, corruption, etc., and we’re still a third world country. This has led a significant percentage of our population to trivialize EDSA and forget how that act really saved us from further going down the drain.

Bankrupt

Last week, fellow The STAR columnist, Boo Chanco, wrote a very powerful article on what happened prior to EDSA and he described the financial situation of our country as a first-hand witness. (Click link) While reading it, I imagined myself explaining his story to someone who is not very familiar with economic and financial terms. So, let me try to do this in Taglish.

His first question was “Kaya ba ng isang president na gawing bangkarote ang kanyang sariling Central Bank?” Ang sagot ay oo at iyan mismo ang ginawa ni Marcos Sr. noong rehimen nya. At sa laki ng utang na nalikom nya, hindi pa natin bayad lahat hanggang ngayon!

Isa-isahin natin ang mga inilarawan ni Chanco.

1. We lost our 60-day credit. 

Kung ikaw ay bumibili ng big-ticket items, halaga ng milyones, hindi ba mahirap naman na bitbitin yong physical cash nito? Ilang bayong ang kakailanganin mo? At isipin mo pa na ang mga nagbebenta sa iyo ay taga-ibang bansa, lalong mahirap, hindi ba?

Yan ang nangyari sa atin. Kwento ni Chanco, ayaw raw lagyan ng krudo ang mga crude carriers natin na nakaparada sa Ras Tanura Port, Saudi Arabia kung hindi tayo magbayad in advance. 

So, paano? Walang choice, walang tiwala e dahil alam na ng buong mundo na nabangkarote na ni Marcos Sr. ang Pilipinas! Dala-dala ng mga piloto natin ang napakaraming duffel bags puno ng dolyares pambayad. Kawawa at kahiya-hiya, di ba?

2. After the 1983 assassination of Ninoy Aquino, political situation became volatile, business confidence was down, capital flight all exacerbated our foreign exchange situation.

Ito yong pinanggalingan ng “dilaw” na kulay. “Tie a yellow ribbon round the old oak tree…if you still want me…” Yan ang ginamit na kanta at simbolismo sa pagbabalik ni Ninoy Aquino. Ayun, pinatay siya pagdating sa tarmac, at lalong nagkaloko-loko ang sitwasyon ng bansa. Wala ng kompyansa, naglabasan na sa bansa ang mga investments at sobrang higpit na ang supply ng dolyares.

3. “Caught with our pants down!”

Napaka-vivid ng pagkakwento niya dito sa kahihiyan na nangyari sa Filipino delegation na nagpunta sa New York. Si Prime Minister Cesar Virata ay nag-aalala noon na dumalo dito sa pulong kasama ang mga international bankers natin. Sinama niya si Central Bank Gov. Jaime Laya at ang representative ng private sector na si Cesar Buenaventura. Wala silang kamuang-muang na mas masama pa pala ang sitwasyon kumpara sa pagkaka-alam nila. Pagkaupo pa lang nila, ito na ang sinabi ng head ng lead bank, “Nagsinungaling kayo sa financial statements niyo, overstated kayo ng $600 million! Wala tayong pwedeng pag-usapan hangga’t hindi nyo naitutuwid ang kasinungalingang ito!” (my translation) 

Kaya ito ang nasabi ni Buenaventura kay Chanco nang nagkwento siya, “We were caught with our pants down!” 

Na-imagine mo ba kung mangyari yan sa iyo? Nakakahiya di’ ba? Pagbalik nila ng Maynila, pinatingnan sa SGV yong financial statements, at ayun, bokya talaga! $600 milyong kasinungalingan. 

4. Anyare? 

Marami. Documented naman ang karamihan sa nakaw nila – shopping dito, shopping doon, at hindi lang luxury items, paintings, pati mga buildings all over the world! Saan galing ang pera? Saan pa nga ba?

Alam mo ba yong behest loans? Ito yong mga pautang sa mga tao at korporasyon na pinapaburan ng gobyerno kahit na hindi karapat-dapat pautangin. Naku, yan ang una kong trabaho – credit analyst kung saan inuusisa namin yong credit worthiness ng isang borrower. Kailangang may 5 Cs – capacity, capital, collateral, conditions (good industry, market position, etc.), and character. Pero kung behest loan, ibinabasura lahat yan, kasi may pressure from above. Sabi nga sa dictionary definition, “Financial institutions are placed under intense pressure to approve such loans ‘at the behest’ of higher officials. Ang ibig sabihin ng behest ay command, order. Parang si Marcos Sr. nga ang inventor ng behest loans kasi kasama siya sa definition, “…historically associated with the cronies of former Philippine president Ferdinand Marcos.” 

Dahil hindi naman kaya bayaran ng mga cronies yong mga bilyones na inutang at kung saan-saan lang napunta ang pera, ayun, lagapak ang tatlong government financial institutions - PNB, DBP, GSIS, pati na rin ang Traders Royal at UCPB!

Dagdag mo pa dito, yong mga exports natin kung saan tayo kumikita ng dolyar, nagbabaan ang world prices ng mga ito, habang nagtataasan ang mga presyo ng krudo at iba pang essential imports natin. Talagang forex crisis ang inabot natin. Ubos ang napakahalagang dolyar sa pambansang pitaka. 

Ito pa ang mga ibang hocus-pocus na ginawa para mapagtakpan ang sitwasyon. Inililipat nila yong dolyares ng PNB (Philippine National Bank na noon ay pag-aari pa ng gobyerno, ngayon ito ay pribado na) sa ibang branch abroad na may ibang time zone, tapos balik ulit bago magbukas ‘yong branch na naglipat, para magmukhang mas marami yong dolyar sa records. Kasinungalingan ulit.

5. Debt moratorium



Dahil hindi na kaya magbayad ng utang, no choice si Prime Minister Virata kung hindi humingi ng debt moratorium or pagliban ng pagbayad sa $20 billion na utang sa mga 300 na bangko. 

Ang problema, dahil wala na ngang tiwala sa Marcos administration, ayaw na ng mga bangkong kumausap sa Marcos government official. ‘Yon ang dahilan kaya pinakiusapan nila si Jobo Fernandez, ang dating may-ari at presidente ng Far East Bank & Trust Co. na maging bagong Central Bank governor. Kinailangan nila ng bagong mukha na wala pang bahid. Matagal din bago nakumbinsi si Fernandez. At nang sumang-ayon na siya, ito ang sabi nya, ”Gentlemen… the way this looks, it seems we are just shuffling deck chairs on board the Titanic.” 

6. Foreign exchange rationing and Binondo Central Bank

Kung kapos tayo sa isang napakahalagang bagay, kailangang kontrolin ang paggamit nito. ‘Yan ang nangyari. Kinontrol ang paggamit ng dolyar. Ginawang priority ang pambili ng krudo at iba pang produktong petrolyo. ‘Yong iba, kailangan na nilang mag-source sa black market (ibig sabihin, labas na ito sa normal government channels). 

At dahil, kulang pa rin yong pambili ng krudo at produktong petrolyo, si dating Trade and Industry Secretary Bobby Ongpin ay bumaling sa Binondo Central Bank. Nakipag-meeting siya kada linggo sa mga top five or six Binondo black market traders para sa supply ng precious dollars. 
Insert Image 06

Grabe ang paglarawan nito, “The dollar bills were packed, flown by private plane to Hong Kong, and deposited presumably in the Central Bank account at PNB Hong Kong.” Isang kahig-isang tuka na talaga tayo noon sa dolyares.

7. Jobo bills

Para naman makaiwas sa tinatawag na runaway inflation (ang grabeng pagtaas ng presyo ng bilihin), naglabas ang Central Bank ng “Jobo bills” na may matataas na interest rates 38% p.a. pataas. Ang mandato kasi ng Central Bank sa bansa ay alagaan ang money supply, inflation, interest rates para steady and GDP growth. So, kung tumataas ang inflation, naglalabas ito ng mga financial instruments na maganda ang interest rates para ma-kontrol ang money supply. Inasahan rin nilang ma-engganyo ang foreign funds na mag-invest at makadagdag sa dollar supply natin.

Pero ano ang nangyari? Kung wala ka ng tiwala sa liderato ng isang bansa na nagkakagulo na, bakit ka mag-iinvest? High risk masyado. So hindi nangyari ang inaasahang lunas. Nakadulot pa nga yata ito sa pagtaas ng cost of goods. 

8. Lumala pa! Stagflation at severe recession na

Hindi nangyari ang inaasahang tulong sa peligro na magagawa ng Jobo bills. Patuloy na sumama ang sitwasyon. Yong palitan ng dolyar sa peso nagmula sa P8.00 to $1.00, lumaglag sa P14 to $1, at patuloy pa sa P20 to $1, mula 1983 hanggang 1985. Para maramdaman mo ito. Isipin mo mula P50 to $1 natin ngayon, magiging P87.50 at magiging P125 to P1. Imagine mo ang mangyayari sa mga binibili mo sa Shopee, Lazada, Amazon at pati yong mga sa sari-sari store, tataas din kasi maraming imported components, di’ ba?

Nagkaroon tayo ng stagflation – mataas na inflation, mataas na unemployment, at bagsak na ekonomiya. 

Syempre, ‘pag ganito ka peligro ang ekonomiya, papasok na at magdidikta si IMF, “Itigil nyo yang mga gastos!” Ang problema, kahit siguro medyo nabawasan ang shopping spree ng First Family, matindi rin ang epekto nito sa bansa natin, kaya ayun laglag pa more! 

9. Bakit yong Central Bank of the Philippines naging Bangko Sentral ng Pilipinas?

Have you ever wondered why? And it was not because we just wanted to use our national language.

Ito yong pinakasagot sa tanong ng article ni Chanco sa umpisa, “Can a country’s president bankrupt its Central Bank?”

The answer is yes. Binangkarote ni Marcos Sr. ang Central Bank of the Philippines ng bonggang bongga na kinailangan itong isara at palitan ng bago. Inayos at ginawang klaro ang mga probisyon tungkol sa pagiging independent monetary authority nito, para hindi na kayang abusuhin. At tinawag na itong Bangko Sentral ng Pilipinas.

10. Balik ang credit line, pero…

Dahil sa peaceful People Power Revolution, itinuring na “Darling of Democracy” ang Pilipinas noong 1986. Tiningala ng mundo ang mga Pilipino at ginawang batayan ang EDSA sa pagpapatalsik ng mga abusadong pinuno sa mapayapang paraan. Bumalik ang tiwala, kinumbida pa si President Cory para magsalita sa US Congress, kaya “saved by the yellow bell” talaga tayo! 

Alam mo, kung hindi nangyari ‘yon, sa kangkungan talaga tayo pupulutin. Kaya kahit sino pa man ang manok mo ngayong eleksyon, huwag mong baluktutin ang kasaysayan at sabihing walang halaga ang peaceful EDSA Revolution. Igalang mo yan, magpasalamat ka sa mga nagsagawa nito. Marami pa yan ha, hindi lang tungkol sa ekonomiya, pati rin sa freedom of speech, moralidad at integridad ng bansa natin. Naibalik ang credit lines. Noong panahon ni PNoy, nabigyan pa tayo ng kauna-unahang investment grade rating, na ang ibig sabihin ay magandang mag-invest sa bansa natin. Pumasok ang dolyares at tiwala ng international community. 

Pero, paalala ko lang ha. Kahit na bago na ang Bangko Sentral ng Pilipinas, “carry” pa rin natin at binabayaran pa rin natin ang mga utang na sinikwat ni Marcos Sr. na pinagpapasasahan ng pamilya niya hanggang ngayon.

Ibang klaseng bangkarote

Pinag-usapan natin ang pagiging bangkarote ng ating ekonomiya bago ang EDSA Revolution. Pero alam mo kung ano ‘yong mas masaklap na bangkarote? Yong bangkarote sa moralidad at integridad. Kung patuloy tayong magpapabudol sa mga budol gang sa politika, at wala tayong gagawin sa pagbababluktot nila ng kasaysayan, anong mangyayari sa atin? Ano ba ‘yong mas masaklap pa sa kangkungan? Baka doon na tayo pupulutin. 

ANNOUNCEMENTS

1. Ipagpatuloy natin ang pag-uusap ng Economics na hindi nose-bleed sa “Money Lessons with FQMom.” We will have as our guest Alvin Ang, PhD, Economics professor at the Ateneo de Manila University who also headed ACERD (Ateneo Center for Economic Research and Development) and known as Your Everyday Economist on Youtube.

2. To learn more about your money behavior, get your copy of FQ Books and for your loved ones too. The principles you will learn from here are not only applicable in your financial life but all the other important aspects of your life. https://fqmom.com/bookstore/  

3. If you haven’t taken the FQ test yet, or have taken in on or before August 2021, it may be time to take the test again. 

This article is also published in FQMom.com.
 
Attributions: Images from Amazon, BSP, DBP, UCPB, GSIS, Traders bank, Twitter, BussinessWorl, Freepik, Dreamstime, Fabpng, Forbes, Bilyonaryo, Pinterest, Lovepik, Our Lady of Peace School, Shutterstocks, VectorShock, GoGraph.
 

BANKRUPT

Philstar
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with