fresh no ads
How tanga are you in the larangan of pag-ibig? | Philstar.com
^

Supreme

How tanga are you in the larangan of pag-ibig?

Tita Witty - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Check the box that corresponds to your answer and then tally your answers. One point for every yes. Please observe honesty. Be proud of your katangahan — hindi lahat meron niyan.

 

Mahal mo ba sya?

Mahal mo ba siya kahit hindi ka niya mahal?

Mahal mo ba sya kahit hindi ka niya mahal at may mahal siyang iba?

Mahal mo ba siya at ang sakit-sakit na?

Nakasulat ka na ba ng Facebook post na tungkol sa kanya?

Tapos tinag mo siya?

Tapos in-untag niya sarili niya?

Nakapagpa-tatto ka na ba para mapantayan/mapawi ang sakit na dulot niya?

OMG, don’t tell me pangalan niya?

Tinext mo nab a siya ng alas dos ng medaling araw?

At tinanong kung mahal ka rin ba niya?

Kasi siya, mahal na mahal mo siya?

Ng kung ano ba ang mali sa’yo?

Ng “pangit ba ‘ko?”

O “ano bang meron s’ya na wala ako?”

Tapos hinintay ang reply nya habang sabi ng puso mo, lub-dub-lub-dub?

E hindi nag-reply kaya tinext mo siya uli ng alas-dos-kinse ng medaling araw?

At after one minute uli?

At after one minute pa uli?

Hanggang ma-realize mong “2:17 na pala, baka tulog na siya?”

Hanggang ma-realize mong ang tanga-tanga-tanga-tanga-tanga, bakit mo s’ya tinext  ng alas-dos ng medaling araw, bakit?

Hanggang makatulog ka kakasabi sa sarili mong ang tanga-tanga-tanga-tanga-tanga mo, bakit mo siya tinext ng alas-dos ng madaling araw, bakit?

Habang wini-wish mong satna panaginip lang ang lahat?

E hindi?

Hindi ka ba makatulog sa gabi kaiisip?

Sa diwa mo’y siya ang laging panaginip?

Oh bakit ba siya ang laging laman ng isip ko?

Ay, hindi pala answerable ng Yes or No ‘yun.

Nakanta mo na ba ang Someone Like You ni Adele sa
videoke?

E ang Alone ni Heart?

E Luha o Ulan ng Aegis?

Nang hindi tinitingnan ang lyrics?

With feelings?

With all your heart?

Mangiyak-ngiyak ka pa?

‘Yung ayaw nilang sabayan ka kasi hiyang-hiya naman sila sa emosyon mo?

‘Yung ayaw nilang sabayan ka, takot na lang nila sa’yo, eh this is your song nga  eh, ‘di ba?

E naka-“100 You’re an excellent singer!” ka naman ba?

Nagpakalasing ka na ba nang dahil sa kanya?

At naglabas ng lahat ng hinanakit ng puso mo sa mga true friends mo?

At naglabas ng lahat ng hinanakit ng puso mo sa kabilang table?

At naglabas ng lahat ng hinanakit mo sa kanya mismo?

Via a drunk text?

O drunk tweet?

O drunk phone call?

O nakakaloka, don’t tell me, pinuntahan mo siya sa bahay n’ya mismo?

Kahit nasa Antipolo ka at taga-Alabang siya?

Habang umuulan?

At wala kang payong?

So basang-basa ka ng ulan habang nagpapaka-tanga?

Tapos wala pala siya sa bahay?

Kasi may kasama siyang iba?

So masarap bang maging image model ng katangahan sa pag-ibig?

IKR!

 

Legend

 

0 Yes: Echosera! Ulitin mo ang quiz, sinungaling!

1-10 Yes: Papunta ka na sa pagiging tanga. Nasa kanto na.

11-20 Yes: Congratulations! Tanga ka na, pero beginner pa lang. Hamo, magiging ganap na tanga ka rin.

21-30 Yes: Congratulations, ang tanga-tanga mo na! Sayang, muntik ka nang maging sobra-sobrang tanga pero naagapan.

31-40 Yes: Congratulations, ang tanga – tanga mo na! Hala sige, konting katangahan pa, kulang pa!

41-49 Yes: Congratulations,tinatayuan ka na ng dambana sa Maynila upang i-commemorate ang natatangi mong katangahan!

50 Yes: Ikaw na ang perfect na tanga! We are not worthy! Hahalikan na naming ang lupang tatapakan mo! Hiyang-hiya kami sa katangahan mo! 

* * *

This quiz is excerpted from the book “Relaks, pag-ibig lang yan, parang kagat lang ng langgam” Planner 2014. It is available now in bookstores nationwide. Tweet @TitaWitty or visit https://www.facebook.com/wittywillsavetheworld.

 

vuukle comment

HANGGANG

MAHAL

SIYA

TANGA

TAPOS

YES

Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with