Roque, Guo iisa lang ruta sa pagtakas – BI
MANILA, Philippines — Inilutang ng Bureau of Immigration (BI) ang posibilidad na iisa lang ang ruta na ginamit nina dating presidential spokesperson Harry Roque at Alice Guo sa paglabas ng bansa.
Sa pagdinig ng Senate committee on human rights nitong Martes, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na walang record na nakatala sa BI kaugnay sa paglabas ng Roque na napaulat na humihingi ng asylum sa The Netherlands.
Hinala ng BI na gumamit ng “backdoor exit” sa Tawi-Tawi si Roque.
“Since Atty. Roque has no recorded departure in the BI’s records, he most likely took the same route as Alice Guo in leaving the country by using a backdoor exit in Tawi-Tawi,” ani Viado.
Ipinagpatuloy ng komite ang pagdinig tungkol sa paglabas ng bansa ni Guo noong isang taon kasama ang kapatid na sina Shiela at Wesley.
Nakalabas ng bansa ang magkakapatid gamit ang Tawi-Tawi backdoor, batay sa pahayag ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director Ferlu Silvio sa pagdinig ng Senate committee on human rights noong Marso 20.
Ayon kay Silvio, namonitor nila na nagbiyahe si Roque mula Zamboanga patungong Tawi-Tawi noong Setyembre 2, 2024. Matapos tumapak sa Tawi-Tawi, wala na silang impormasyon tungkol kay Roque.
- Latest