^

Bansa

Palasyo nagpasaklolo sa media vs fake news 

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Palasyo nagpasaklolo sa media vs fake news 
Stock photo shows a woman on a laptop showing "fake news."
memyselfaneye / Pixabay

MANILA, Philippines — Umapela sa mga miyembro ng Media ang Palasyo ng Malakanyang na makipagtulungan para labanan ang talamak na fake news na kumakalat sa social media.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na sa dinami-rami ng kumakalat na fake news ay malaki ang maitutulong ng mainstream media para mag-fact check dahil mayroon silang mga kredibilidad.

Dapat din aniyang malaman ng taongbayan na lahat ng lumalabas ng mga fake news ay dapat maputol, hindi lang sa isyu ng extrajudicial killings o EJK kundi maging mga fake news na pumapabor kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dapat ipakita rin ng mainstream media at ­maging ng social media kung ano talaga ang kalagayan ng mga biktima at mga pamilya ng mga biktima ng EJK dahil sila rin naman ay mga Pilipino.

Kasabay nito, patuloy rin aniyang pag-aaralan ng pamahalaan kung kailangan nang masampolan ang mga nagpapakalat ng fake news habang nakikipag-ugnayan na rin sila sa National Bureau of Investigation (NBI) at mga otoridad tungkol sa nasabing isyu.

NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->