^

Bansa

Registration ng PBBM partylist pinakakansela sa Comelec

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Naghain ng petisyon sa Commission on Election ang dating miyembro ng Pilipinas Babangon Muli para ipakansela ang registration nito bilang Regional Political Party at Party List.

Sa petition na inihain ni Atty. Jess Christian Ramirez, hiningi niya sa Comelec ang agarang aksyon at huwag payagan na makasali sa 2025 Midterm election ang PBBM na pinangungunahan ng mga nominees na sina Ma. Cecilia Badajos, Thomas Benedict Baluga, Karen Acosta, Elena Badajos, Iana Alexis Badajos Garcia, Francis Carl Acosta at Jerald Acosta Dao.

Ginamit ni Atty. Ramirez ang umano’y mga paglabag ng PBBM sa Party List Law kayat dapat kanselahin ang registration nito.

 Kabilang dito ay nang maghain ito ng aplikasyon bilang Regional Political Party sa CALABARZON gayong ang mga nominado ay hindi naman residente ng Region 4A.

Hindi rin daw ang mga nabanggit na pangalan ang nakarehistro sa Comelec ng maghain ang PBBM ng aplikasyon.

Sa kanilang registration, iginiit ng PBBM Party List ang kanilang principal headquarters ay nasa Taal Batangas subalit ang mga nominado ay galing ng Abra Province, Cagayan de Oro at iba pang lugar gayong ang kanilang isinumite sa Comelec ay dapat eksklusibong kakatawan lamang sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->