83-anyos lolo kinatay kapitbahay na maingay

MANILA, Philippines — Tila hayop na kinatay ng isang 83-anyos na lolo ang kanyang kapitbahay nang pagtatagain dahil sa sobrang ingay nito, naganap kamakalawa sa Brgy. Villa Espina, Quezon, nitong Lunes ng umaga.
Halos humiwalay na ang ulo sa katawan at namatay noon din ang biktima na kinilalang si Ronnel Llamado Sipocot, 31, residente ng nasabing lugar habang naaresto agad ang suspek na si alyas Gregorio, 83.
Ayon sa ulat ng Lopez Municipal Police Station, bandang alas-8:30 ng umaga, inaayos ng biktima ang kanyang mga anahaw na dahon para ibenta, nang biglang dumating ang suspek at walang sabi-sabing tinaga ang biktima sa may tagiliran ng leeg gamit ang isang itak na 20 pulgada ang haba.
Nang maaresto ang suspek ay sinabi nitong naingayan siya sa ginagawa ng biktima at sa sobrang inis kaya niya ito tinaga.
- Latest