^

PSN Opinyon

Makabubuti ang magbitiw

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

KUNG matutuloy ang impeachment trial ng Senado at mahus­­gahang guilty si VP Sara Duterte, kailanman ay hindi na siya puwedeng humawak ng ano mang puwesto sa pamaha­laan­. At sa proseso ng paglilitis, malamang bulatlatin ang mga ina­akusang secret bank account niya na isa sa pinagbaba­tayan­ ng articles of impeachment na nakasumite na sa Senado.

Ngunit iginiit ni Sara na hindi siya magbibitiw upang i-preempt ang napipintong trial. Kung kusa siyang magre-re­sign at hindi mahahatulan, hindi mawawala ang karapatan­ niyang humawak ng appointive o elective position sa pama­halaan. Tila kampante si Sara na malulusutan ang kaso niya. 

May iba-ibang opinyon mula sa mga expertong political analyst at ordinaryong mamamayan. Kahit hindi ako aral sa political science at batas, sa aking practical na pananaw, makabubuting option ang pagbibitiw dahil mananatili ang karapatan niyang maglalaho kung siya ay mahahatulan.

Totoo man o hindi ang mga akusasyon laban sa kanya, wala siyang magiging masamang record at sa pagdaraan ng mga panahon, baka malimutan na ng taumbayan ang mga kasalukuyang nagaganap sa pulitika ng mga Duterte. Sabi nga, napakaikli ng memorya ng mga tao.

Noong 1986, pinatalsik sa isang mapayapang rebolusyon­ ang isang diktador na namayagpag ng dalawang dekada. Nga­yon, malaking boto ng mamamayang nakalimot na ang nag-upo sa kanyang anak na kapangalan pa niya bilang Pre­­sidente.

Kung talagang determinadong humarap sa hearing si Sara, handa ba niyang pabuksan ang kanyang bank accounts upang patunayang kasinungalingan lang ang mga paratang ni dating Sen. Trillanes sa kanyang pamilya?

The question remains: Will the end result of this conflict become a fatal blow on the Dutertes or on Marcos?

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with